Kabanata 17

181 6 0
                                    

Lumipas ang buong linggo at patuloy kong iniwasan si Greyson. Halos wala akong tulog sa buong linggo kaka-aral, basa at memorize. Tulog ko ay isa hanggang dalawang oras lang kada araw.


Patuloy naman ang pagtawag, text at chat ni Greyson ngunit hindi ko na inabala ang sarili para basahin. Marami akong ginagawa at kahit oras ng pagtulog ay kulang pa.


Bakit akong mag aabala para reply-an siya kung mayroon naman siyang ibang babaeng pwedeng kasama?


Pero naaawa rin naman ako sa kanya dahil araw araw niya akong kinukulit at may pinagsamahan pa rin naman kami.


Pumunta ako sa dorm ni Kai para magpatulong magmemorize. Wala siyang pasok ngayon at si Basti naman ay wala dahil may shooting.


Habang nag aaral ako sa dorm niya ay nakita kong may tumulong dugo sa kamay ko. Sinahod ko naman ang ilong ko bago madumihan ang hiniram kong libro.


Tinawag ko naman si Kairos at nakita kong nagmadali siyang lumabas galing banyo. Madulas-dulas pa siyang lumabas.


"Oh, anong nangyayari?" Tanong niya at mukhang nag aalala.


"Baka may mens ang ilong ko? Tanga, malamang nosebleed! Magdodoktor ka na niyan?" Pamimilosopo ko at inirapan siya.


Inabutan niya ako ng tissue at hinila papuntang CR para linisin ang maraming dugo sa kamay.


Mabuti naman at wala ang dorm mates niya dahil mahilig silang asarin kaming dalawa.


"Sit forward. Oh, gamot pangkontrol sa pagdurugo. Huwag kang mag alala, vitamins lang 'yan. Puro ka kasi aral, hindi ka natutulog. Nanalo ka nga, mamamatay ka naman." Seryosong pangaral niya sa akin at pinupunasan ang dugo.


"OA mo ha! Sorry na ho, doc! Uuwi na ako para magpahinga kaya pwede 'wag ka na mag alala. Matagal mamatay ang masamang damo" Sagot ko at tumayo na.


Pinigilan naman niya ako at hinawakan sa kamay kaya napatingin ako sa kanya.


"You know Tanniña Astraea that I love you so much, right? Please take care of yourself. I don't want to lose you too." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa mata ko.


Medyo naluha naman ako at niyakap siya. Tuwing kasama ko ata si Kairos nagiging emosyonal ako. Kasi naman, ang fragile ko. Baka dating sibuyas si Kairos sa past life niya at tuwing malapit siya ay naiiyak ako.


"I love you too. Don't worry about me. I can handle myself." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.


He's the one I can depend on and the one I can call home, now that my family's not around.


"Sleep here." Sabi niya at tinulak ako papasok sa kwarto niya.


Mayroon doon single bed, cabinet at study table. Sakto lang para sa kanya.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon