Kabanata 24

198 3 0
                                    


Gumising ako ng maaga dahil may trabaho pa ako. Wala si Grey kaya baka kina Serene muna ako tutulong.


Nagpaalam naman ako na may napirmahan akong kontrata at naiintindihan nila 'yun ngunit wala naman si Grey kaya nakakahiya kung hindi ako pumasok.


Umuwi muna ako sa Makati para maligo at magbihis dahil wala pala akong nadalang damit na pang trabaho.


Nag text sa akin si Greyson kanina at kinamusta ako. Sinabi ko naman na papunta akong Makati para magtrabaho. Hindi na siya nag reply kaya hinayaan ko na lang.


Naliligo ako nang may biglang nagdoorbell. Napasimangot naman ako at nagsuot na lang ng bath robe na medyo maikli sa akin. Baka kasi kung ano na namang pinadeliver ni Serene at dito ang nilagay na address.


"Sandali!" Sigaw ko at madulas-dulas pang tumakbo sa may pinto.


Nagulat ako nang makita kung sino ang nasa pinto. Napanganga pa ako at napatulala ng saglit.


"Surprise." Mahinang wika niya habang tipid na nakangiti at tinignan ang kabuuan ko. Nakita ko pang napalunok siya at pumasok na rin agad.


"Bakit ka nandito? Akala ko sa Monday pa ang uwi mo?" Tanong ko dahil nakita kong nandito si Greyson na akala ko ay nasa Malaysia pa. Kaya naman pala nagtext.


"I still need to study and I miss you." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit habang nakabaon ang mukha sa leeg ko.


Medyo kinilig naman ako at nakiliti dahil nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko. Kuya Greyson, 'wag po!


"I miss you too." Sabi ko at niyakap siya pabalik. Mas lalo niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.


"You smell so good, hmm." Sabi niya at inamoy pa ang leeg ko. Napahagikhik naman ako dahil sa kiliti na dinulot niya.


Hinalikan niya ako sa leeg na nagpagulat sa akin. Ako naman kasi ang palaging nangunguna sa mga ganyan.


"Hindi pa ako tapos maligo. Gusto mong manood?" Biro ko pa.


Hindi niya pinansin ang sinabi ko at patuloy pa ring nakayakap sa akin.


Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Nakita kong nagmamadali siyang umupo pagkatapos. Sayang.


Hindi na ako tumuloy sa trabaho dahil nandito na naman ang bago kong boss. Nakaupo siya sa kama ko habang nagbabasa at ako naman ay nakahiga lang.


"I went here straight from the airport, I'm so tired." Kwento niya na tila nagsusumbong na bata.


"Tired tapos nandito ka? Ayos ka rin." Biro ko na ikinatawa niya.


Halata naman ang pagod sa kanya. May naging problema kasi sa branch nila sa Malaysia kaya may emergency meeting. Kawawa naman siya dahil mukhang walang tulog.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon