Sa buong linggo ay medyo umiiwas ako kay Greyson ngunit ayaw ko naman siyang makahalata
kaya naman ay normal pa rin ang ganap. Kapag tinatanong niya ako, sinasabi ko na busy lang ako at marami akong inaaral dahil malapit na ang finals.
Kapag naman uwian ay minsan hindi na ako sumasabay at sinasabi kong may klase ako kasama ang 4th year sa Practice Court II. Sit-in lang dahil pinanglalaban ako sa ibang school.
Hinahatid lang ako ni Oliver pauwi kapag ganoon. Magkaibigan lang naman kami.
Nagbabasa ako nang may narinig akong kumakatok, gabi na rin baka multo. Binuksan ko at nakitang si Greyson 'yun kaya agad ko ring pinapasok.
Nakita kong seryoso lang siya at nananahimik.
"Oh seryosong seryoso ah?" Biro ko at tumabi sa kanya sa sofa.
"I saw you with that guy earlier. He drove you home." Seryosong sambit niya.
"Ah oo." Sabi ko nalang.
Baka kung ano masabi ko kaya tipid lang akong sumagot. Sabi kasi sa Psych namin dati nung college na less talk, less mistakes.
"What's with him?" Tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin.
"Ah wala 'yun. Nagmagandang-loob lang." Sambit ko at tumango lang siya ngunit nakikita kong hindi pa rin siya kumbinsado.
Kinabukasan ay niyaya ako ni Oliver na magdinner kaya pumayag na ako dahil sabi rin ni tito, wala akong choice.
"The usual?" Tanong niya sa akin habang nakangiti.
Nandito kami sa paboritong restaurant namin noong nagde-date pa kami. The usual meaning, my favorite roast beef and wine combo.
"Yes please." Sabi ko at ngumiti. After we dated we became good friends as I've said.
Habang naghihintay ng order ay nag usap muna kami tungkol sa mga bagay-bagay.
"Mock trials in the last year are like the most unpredictable one. Even your friends, pwede mong makalaban. I hate it." Pagkukwento niya.
Natawa naman ako sa kanyang kwento.
"Sira, malamang. Kapag in real life naman, pwede mo silang makalaban rin, civil cases or so." Sambit ko.
"The last year would be the most memorable, I swear. You'll just feel na you're a real lawyer. You'll be busy so you wouldn't have time to date and enjoy." Sabi pa niya at tumawa.
"Ay sus, ikaw pa ba? Kahit pagsabay-sabayin mo pa, yakang yaka." Sabi ko at hinampas pa siya sa braso.
BINABASA MO ANG
Surrendering Dreams (Amor Series#1)
RomansaSURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and defend the oppressed. Then, he met Tanya, a genius Law student and a scholar of the same school who...