Nakarating kami at pinapasok niya naman ako sa condo niya. Malawak ang condo niya at malinis, maliban nalang sa sala na may nakakalat na laruan?
Nagtataka naman akong napatingin sa kanya at maya maya ay may lumabas galing sa kwarto na babae na mukhang kasambahay nila at may bitbit na baby.
"Oh, hijo. Nandito ka na pala at may bisita ka pang kay gandang bata." Bati ng babae.
"Hello po, ako po si Tanya." Masayang bati ko.
"Ay, kay bait na bata! Ako si Manang Lorna, kasambahay ng pamilya ni Paul. Heto ba ang nanay ni Matti, Paul?" Tanong naman niya at nagtaka naman ako. Ineexpect ko kasi na pamangkin niya o kapatid niya 'yun.
"Hindi po." Sambit ni Paul at kinuha na ang baby kay Manang. Nagpaalam naman si manang na maghahanda lang ng pagkain. Hindi na ako tumanggi dahil sabi rin ni Paul na dito na ako kumain.
"Nagulat ka ba?" Tanong niya sa akin at nahihiyang ngumiti.
"Oo." Sambit ko.
"Ako rin. Bigla na lang kasing iniwan siya sa labas ng condo ko at sinasabi na ako ang ama. Nagpa DNA test ako at ako nga. Instant daddy ako bigla." Pagkukwento niya at tumawa.
"Pero noong first sem..." Sabi ko ngunit hindi ko na naituloy.
"Oo, umamin ako sa 'yo." Sabi niya at bahagya pang natawa. "Gusto naman talaga kita dahil maganda ka, mabait at matalino. Noong isang buwan ko lang naman na ama pala ako. Sorry nga pala." Sabi niya pa.
"Wala 'yun. Hindi mo naman kasalanan na diyosa ako." Biro ko pa para mapagaan ang atmosphere. Natawa naman siya at narinig naming tumawa si Matti.
"Ang cute niya naman. Pwedeng pakarga?" Tanong ko naman at ibinigay naman niya sa akin si Matti.
Ang cute ng batang 'to, ang taba taba. Nakita kong tumatawa pa siya at nagpapalobo gamit ang laway. Napaka cute.
"Sandali lang, kukunin ko lang ang reviewer." Sambit niya at tumango naman ako kaya pumasok na siya sa isang kwarto.
Naramdaman kong bumukas bigla ang main door ngunit bago pa ako makaharap at biglang may humila na sa buhok ko.
"Ouch." Sabi ko at hinawakan pang mabuti si Matti dahil baka malaglag.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita rito pagkatapos mong iwan si Matti!" Sabi ng babae. Napa-aray na lamang ako dahil wala akong maggawa.
"Teka po, mali po ata kayo." Sambit ko at pilit na kumakawala.
"Ma, itigil mo 'yan!" Pigil ni Paul at hinila na ang babaeng tinawag niyang mama. Masakit siya sumabunot, in fairness.
"Huwag kang lalapit sa apo ko!" Sabi ng mama niya at dinuro pa ako. Susugod na ulit sana ngunit napigilan siya ni Paul.
BINABASA MO ANG
Surrendering Dreams (Amor Series#1)
RomanceSURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and defend the oppressed. Then, he met Tanya, a genius Law student and a scholar of the same school who...