/Trigger Warning: rape, trauma, depression, abuse/
"S-She, She w-was raped." I dropped my phone and tears started rolling down my eyes.
Parang tumigil ang mundo ko. Ang tinuturing kong kapatid ay nilapastangan. Nanginginig ang buong katawan ko habang patuloy na humihikbi. Naramdaman ko ang pagyakap ni Greyson.
"Tanya, calm down." Sambit ni Greyson bago dumilim ang aking paningin.
May narinig akong sigawan at gulo bago tuluyan nagdilim ang aking paningin. Hindi ko na naramdaman na nasa ospital na kami. Nakahiga ako sa kama at napatayo.
Nagmamadali akong umalis dahil wala namang nakakabit sa akin. Nakita kong sumunod lang si Greyson sa akin. Malamang ay alam na niya ang nangyari.
Pumunta ako sa Intensive Care Unit at nakita ang mga tubong nakakabit kay Serene. Hindi ko na napigilan ang pag hagulgol. Nakita ko rin sa tabi si tita na umiiyak. Napaluhod ako habang hawak ako ni Greyson.
"Anong nangyari? Bakit nagkaganito? Sino ang may gawa nito?" Pasigaw na sambit ko habang umiiyak. Halos awatin na ako ng mga nurse kung hindi lang sila napigilan ni Catalina.
Walang sumagot at nakita kong lalong lumakas ang pagiyak ni tita. Nakita kong nagsi-iyakan din sina Catalina at Val
"Putangina! Mapapatay ko kung sino ang hayop na gumawa nito." Sambit ko. Naramdaman ko ang yakap ni Greyson kaya naman ay siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya at doon umiyak.
"Baby, I'm always here for you." I heard him say that made me cry harder.
"Tangina, Greyson. Hindi niya deserve 'yun! Hindi deserve ng kahit na sino 'yun! Bakit nangyari sa kanya 'yun? Sobrang buti ni Serene. Mabubulok sila sa kulungan at doon magdurusa!" Sambit ko pa.
Nakatulog na ako sa kakaiyak. Nakasandal lang ako kay Greyson na natutulog din. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising.
Napakunot ang noo ko nang may makita akong pamilyar na bulaklak. Kinuha ko 'yun at napakuyom ang kamao ko nang mabasa ang nakasulat.
Tanya,
I hope you enjoyed our gift. Wait for more.
Until the next,
–V
I knew it! They did this. I can't believe they still want to make my life and the people around me miserable.
Napakuyom ang aking kamao at pinunasan ang luhang pumapatak sa aking mata. I'll make you pay, soon.
Tinawagan ko sina Avery, Catalina, Kairos at si Gio. I told them about my plan and what I want.
"Bring it here. Hide it anywhere without anyone knowing. I think something's wrong here. I just needed a confirmation." I told Avery before dropping the call.
BINABASA MO ANG
Surrendering Dreams (Amor Series#1)
RomanceSURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and defend the oppressed. Then, he met Tanya, a genius Law student and a scholar of the same school who...