Kabanata 03

10 1 0
                                    

Today is the first day of school. Kinakabahan ako dahil baka wala akong maging kaibigan bukod kay Twixx. Kinakabahan din ako kasi nasa malaking school at official na college student na ako.

Magkakasabay kaming apat pumasok, sa unit din kasi namin sina Kyle at Stephen natulog. Iniwan ni kuya ang kotse niya dahil sasakyan daw ni Kyle ang gagamitin namin papasok sa school.

Ang yayaman lang ng mga kaibigan ni kuya kasi may sari-sarili silang mga kotse, pero wala silang bahay kasi nakikitulog sila sa unit namin.

"Chat me if you need something, okay?"

Habang naglalakad ako papasok ng building ay hinahanap ko 'yung classroom ko, ang laki ng building na ito at parang naliligaw na yata ako.

"Good morning!"nanlaki ang mata ko ng makita ko na kasabay ko na maglakad si Twixx.

"Papasok ka na naman, ‘di ba? Sabay na tayo"gustuhin ko man na iwasan siya dahil sa mga narinig ko patungkol sa kanya ay hindi ko magawa kasi nga magkaklase kaming dalawa.

"I heard that we have a new Chemistry teacher, pero mukhang sobrang strict"sabi pa niya sa akin habang hinahanap ko yung classroom namin.

Bakit ba kasi ang ingay at ang daldal niya?

"Really?"I said, para lang tumahimik na siya. End of conversation, pero hindi siya nauubusan ng topic.

"Sabay tayo maglunch?"tumingin ako sa kanya at huminga ng malalim.

"Ayoko,"I answered.

Sana naman ay tumigil na siya sa pangungulit sa akin.

"Bakit naman?"he asked.

My god, he's so annoying! I already rejected him, pero tinatawanan niya lang ako.

"Meron na akong kasabay"

M-107. Finally, nakita ko na 'yung classroom namin for our first subject. Nauna akong pumasok at nakasunod lang siya sa akin na parang anino ko.

Tumabi siya sa akin at wala akong nagawa doon dahil dalawa na lang ang vacant seats. Chineck ko ‘yung class list kung dito ba talaga ako kasi baka sa kabilang section ako at hindi ko kaklase 'tong si Twixx.

"Classmates nga talaga tayo"sabi niya sa akin noong nakita ko ‘yung class list.

Kapag minamalas ka nga naman talaga at kaklase ko pa si Twixx. Sana doon na lang ako sa kabilang section, mukhang mas tahimik pa roon.

"Gusto mo rin ba maging doctor?"tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Gusto ko tumahimik ka…"sabi ko sa kanya pero imbis na mainis siya sa sinabi ko ay natawa lang siya sa akin.

Ano’ng nakakatawa?

He's so talkative. Hindi siya nauubusan ng mga sinasabi. Hindi ba napapagod iyong bibig niya sa pagsasalita?

"Ericka"he called my name again, pero hindi ko siya pinansin.

Our dean announced that there will be no classes in the morning because of the orientation. So, I spent the whole time beside Twixx.

Ilang oras pa lang kaming magkasama ay parang alam ko na 'yung kalhati ng buhay niya. Ang dami niyang kwento na kahit ayoko alamin ay sinasabi niya. Mabait naman siya, pero sobrang daldal lang talaga.

Siguro kung siya 'yong ka-late night talk mo ay hindi ka talaga makakatulog at talagang aabutan kayo ng umaga dahil hindi siya nauubusan ng topic.

After the orientation, I spent my vacant and lunch with my brother in a milktea shop. They are enjoying the Bubble tea while I'm starting to like their Wintermelon Milktea. They are memorizing some provisions and preparing for some recitations, I think studying law is more stressful than studying med. But I know that they can do it.

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon