Kabanata 09

4 0 0
                                    

After class ay dumiretcho kami sa new gym dahil kailangan namin magsign-up para sa party mamaya dito sa school. Wala akong hilig sa mga party na ganito pero kailangan pumunta kasi merong attendance kaya walang choice, sasama na lang ako kay kuya mamaya kasi sigurado naman ako na pupunta sila.

Meron din daw kasing additional grade kapag pumunta ka sa party mamaya.

"I'll see you here, Eri"sabi sa akin ni Twixx noong tapos na siya magsulat.

"Ericka!"may tumawag ng pangalan ko tapos nakita ko si Stephen kaya naglakad ako papunta sa kanya.

"Pupunta ka mamaya?"tanong ko sa kanya tapos tumango naman siya.

"Kay Stephen na lang ako sasabay pauwi, Twixx. See you later!"nakangiting bati ko kay Twixx tapos tumango naman siya. Hindi alam ni Twixx na sa amin din nakatira ang mga kaibigan ni kuya, hindi niya naman tinatanong kaya bakit ko sasabihin.

"May susuotin ka na ba para mamaya?"tanong sa akin ni Stephen tapos tumango ako at sumakay sa kotse niya.

Kahit wala pa naman akong gown para mamaya.

"Sila kuya?"

"Nauna na sila umuwi. Okay lang ba na dumaan tayo sa bahay? Meron lang akong kukunin"ngumiti ako at tumango.

"Can I ask you something?"tumango lang si Stephen tapos sumandal ako.

"Bakit hindi ka umuuwi sa inyo?"tanong ko sa kanya tapos ngumiti lang siya.

"I know that you're keeping that question for a long time"nagulat ako ng sabihin niya 'yon sa akin. How did he know?

"To answer your question, my parents are seperated. Kyle is my step brother"nanlaki ang mata ko sa nalaman ko.

Dapat pala nanahimik na ako at hindi nagsalita.

"Kyle and I hated our father. We are both fucked up that time that's why we decided to chill and have fun--- pumunta kami sa isang bar"nakikinig lang ako sa kanya habang traffic.

"Doon namin nakilala si Lukas"

"Si kuya nagbabar?"tanong ko sa kanya tapos tumango naman siya.

"That was the first and last time we went to that bar, promise"he said.

I can't believe, ang dami ko palang hindi alam tungkol kay kuya. Akala ko ay puro lang siya aral dito sa Manila.

"Tinulungan niya kami ni Kyle, pinatira niya kami sa unit niyo hanggang sa lumipat na kami ng ISU"sabi pa niya tapos tumango naman ako. Ang bait naman pala talaga ng kuya ko.

Hindi na ako nagtanong ulit at nanahimik na ako hanggang sa makarating kami sa bahay nila. I was wrong when I said before na wala siyang bahay kasi doble pa ng bahay namin sa Pangasinan ang bahay nina Stephen at Kyle.

Pinapasok niya ako sa loob kasi wala naman daw yung parents nila dito, nakaupo lang ako sa may sofa at nahihiya akong gumalaw kasi sobrang linis ng bahay nila nakakahiya guluhin yung inuupuan ko. Their maids offered me a juice.

"Hi,"may lalaking bumati sa akin. Siya yung lalaki na pumunta noon sa unit namin.

"Hello,"bati ko sa kanya. Nakangiti lang ako sa kanya tapos umupo siya sa kabilang sofa.

"Girlfriend ka ni kuya?"tanong niya sa akimn tapos umiling ako.

"Sinamahan ko lang siya dito kasi meron daw siyang kukunin"sagot ko roon sa kapatid niya tapos tumango naman siya,

"Take care of him, okay?"nadurog yung puso ko sa sinabi ng kapatid ni Stephen sa akin, tumango ako at ngumiti.

"Hey,"napatingin kaming dalawa ng dumating na si Stephen dala yung tux niya na naka-hanger.

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon