"Sobra na talaga iyong prof natin na iyon”I said while walking towards the exit of this stressful building.
Kakatapos lang kasi ng Math class namin tapos hindi lang naman siya nakuntento sa dalawang quiz dahil dinagdagan niya pa kasi alam niya raw na madaming makakapasa. I really hate Math.
Nakakainis.
"Okay lang yan, hindi rin naman ako nakasagot"sabi sa akin ni Twixx tapos umiling ako.
Magkasabay kami ngayon umuwi kasi nasa bahay na sila kuya at ang mga kaibigan niya, nag-aaral na naman sila. One-month na kaming palaging sabay umuuwi ni Twixx kasi mas nagiging busy na ang kuya ko.
Ayaw din ako tigilan ni Twixx kaya pumayag na lang ako. May sasakyan na si Twixx kaya nakakatipid ako ng pamasahe. Minsan naman ay dinadalahan ko siya ng lunch at sabay kaming kumakain kasi bukod sa akin ay wala naman siyang masyadong kaibigan sa building namin.
He started to drive while I'm just looking outside the window. Iniisip ko pa rin kasi yung result ng quiz ko. Math is my greatest enemy, hindi talaga kami nagkakasundo ng numbers.
I'm gonna be okay, right?
I'm gonna be okay, right?
I wish I could tell myself that at night
I'm gonna be okay, right?Iyon ang bumungad na kanta noong binuksan ni Twixx ang radio ng sasakyan niya. Meron siyang tatlong Album ng Lany na binili niya sa ibang bansa at iyon lang ang pinapatugtog niya dito sa loob ng sasakyan.
Magaganda naman kasi ang mga kanta nila tapos sobrang tumatagos sa puso ng mga lyrics. Feeling ko nga Lany ang isa sa mga paboritong international band ni Twixx, hindi niya lang sinasabi sa akin.
Kahit isang buwan na akong sumasakay sa kanya ay naiinis pa rin ako sa kanya, at saka hindi siya pumapalya sa pang-iinis sa akin. Palagi niya rin baon ‘yung mahaba niyang pasensya kapag kasama ako.
"Kain muna tayo, bago ka umakyat"sabi niya sa akin tapos umiling ako.
"Ano 'to dinner with your dinner?"sabi ko sa kanya kasi parang kagabi lang ng may makita akong babae na kasama niya at palabas sila ng condo.
Nakita ko rin na sumakay silang dalawa ng taxi papuntang south.
"What the hell, Ericka"he laughed.
"You're being rude again"sabi pa niya tapos umiwas naman ako ng tingin.
"Take note! I'm being honest again, Twixx"natawa lang siya sa sinabi ko.
Bago pa ako bumaba ay kinuha niya ang bag at mga gamit ko, siya ang ngabitbit ng mga 'yon para raw sumama na ako sa kanya kumain ng dinner.Wala akong nagawa kung 'di ang sumama na lang. Wala rin naman akong gagawin sa unit kung 'di ang panoorin ang kapatid ko na mag-aral. Nag-order kami dito sa resturant sa ground floor.
Habang hinihintay namin ang order namin ay napapansin ko na lumalamig na dito sa loob ng restaurant, wala akong dalang jacket.
"Here. Wear this"tumayo si Twixx at pinatanong iyong jacket niya sa balikat ko tapos ngumiti lang ako.
"Can we get some coffee bago ako umakyat?"sabi ko sa kanya tapos tinignan niya ako ng masama.
"Can you get some sleep first? You’re always studying…"
"You're torturing yourself, Eri. Hindi ka sa subject babagsak, sa hospital"and I really hate it when he's acting like this.
"Bumabawi naman ako ng tulog kapag weekends"sabi ko sa kanya tapos umiling siya.
"No coffee, Eri"sabi niya sa akin tapos inirapan ko siya.
"Mauuna ka pa sa amin sa hospital, gusto mo ba 'yon, ha?"tanong pa niya sa akin.

BINABASA MO ANG
What If We Try?
General Fiction(What If Series #3) Ericka Ivy Tan's dream was to become a doctor and top the board exam. She was a consistent honor student every since she was young and she was always on the top of everything. But her perfect dream changed when she started her Co...