“Call me if you need something, okay?”
I hugged him tight before he walked out.
“Para namang hindi na kayo magkikita na dalawa”sabi sa akin ni kuya noong dumiretcho ako sa may kusina.
“Huwag naman sana…”
Para akong mababaliw kapag wala si Twixx, parang may mga tao na nakabantay sa akin sa paligid at gusto akong saktan. Para akong nasisiraan ng ulo.
“Puntahan ko lang si Stephen sa kabilang unit”paalabas na sana si kuya nang magsalita ako.
“Sama ako”
Lumipat kami sa kabilang unit, kung saan naabutan namin si Kyle na nagluluto.
"Kuya mo?”tanong ni kuya.
Dumiretcho ako sa tabi ni Kyle at tinignan kung ano ang niluluto niya. Mukha kasing masarap.
“Why?”ngayon ko na lang ulit nakita si Stephen.
Simula kasi noong naging Lawyer siya ay hindi na siya masyadong sumasama sa amin. Alam ko naman na may galit siya sa pamilya ni Twixx. Hindi ko naman maaalis iyon sa kanya.
“Hi,”
“How are you, Ericka?”he smiled at me while he’s still standing beside the door, holding the doorknob.
“I’m good, ikaw? Ngayon lang ulit kita nakita”
Ngumiti siya at tumango. “Doing great. I’m investigating some case kaya hindi ako masyadong nakakalabas”
“Get some sleep after, okay? Tignan mo iyong mata mo”tinuro ko iyong mata niya, ang itim na kasi ng undereye niya.
“Yes, doc”he chuckled.
“How’s the case?”tanong sa kanya ni kuya. Umupo ako sa couch at binuksan ang TV nila.
“Still no progress…”
Nakikinig lang ako sa usapan nila kahit ang mga mata ko ay nakatingin sa TV. Nandoon sila sa kusina kaya hindi ko sila nakikita.
“Drop the case, Stephen. It’s useless if you re-open the case again”ano kaya iyong pinaguusapan nila? Magkasama ba silang tatlo sa bagong kaso na inaasikaso nila?
“I studied for almost ten years for this case, Ryker!”mahina pero madiin na sabi ni Stephen. “Ngayon ko pa ba susukuan ito kung kailan Lawyer na ako?”
Parang napakahalaga ng kaso na iyon kay Stephen at ayaw niyang sukuan. Gusto niya ba maging Lawyer dahil sa kaso na iyon? Ano ba kasi iyon? Ano ba iyong tinatago niya?
“I want justice for her, Lukas!”
Sino ba iyong tinutukoy niya?
“You know their family background, Stephen!”is it about Twixx family?
“Reinvestigating her case is like walking on a tight rope, you’re just putting your life in a great danger!”
“Receiving a threat from the opposite side means they are afraid that the truth will conquer lies”Stephen said.
“Binalaan na kita…”kuya said before walking out the unit.
“Ericka…”nagulat si Stephen nang makita niya ako. Hindi niya siguro alam hindi ako umalis ay narinig ko lahat ng pinag-usapan nila.
“Bakit?”
“Narinig mo ba lahat?”
Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng totoo o hindi.
BINABASA MO ANG
What If We Try?
General Fiction(What If Series #3) Ericka Ivy Tan's dream was to become a doctor and top the board exam. She was a consistent honor student every since she was young and she was always on the top of everything. But her perfect dream changed when she started her Co...