Kabanata 31

2 0 0
                                    

I rode a taxi today going to school. Meron daw kasing kailangan na pirmahan para sa graduation namin. Twixx is not answering my calls, sigurado ako na puyat na naman iyon at late na naman magigising.

Si kuya naman at ang mga kaibigan niya ay maagang pumunta sa Law Firm. No choice, ako lang mag-isa.

“You’re too early…”sinalubong ako ni Ryker na may dalang box ng donut.

“Si Twixx?”

“Mukha ba akong hanapan ng nawawalang boyfriend, ha, Ericka?”inirapan ko siya dahil sa sinabi niya.

Sarado pa ang Dean’s office kaya dumiretcho kami sa may student lounge ni Ryker. Hindi ko alam kung swerte ba ako na si Ryker ang kasama ko dahil alam ko na ligtas ako o malas ako dahil sobrang daldal niya.

“Gusto mo?”inalok niya ako ng donut kaya hindi ako nagalangan kumuha. “Siguro tulog pa si Twixx, noh?”

Tumango ako.

“Meron akong bibilhin sa Cafeteria, gusto mo sumama?”tinanong ko siya dahil baka sabihin niya iniwan ko siya.

“Babalik ka naman dito, ‘di ba?”tumango ako.

“Babalik ka naman pala, bakit pa ako sasama?”

Inirapan ko siya at saka ako lumabas ng student lounge. Noong lumingon ako ay nakatingin pa rin siya sa akin at saka tinatawanan pa rin niya ako, sana mabulunan siya. Hindi talaga siya matino kausap, sobrang pilosopo.

Wala pang masyadong tao ngayon dito sa iskwelahan dahil sa sobrang aga, pero napansin ko agad iyong dalawang lalaki na kumakain at nakatingin sa akin. Hindi sila mukhang mga magulang, nakakatakot kasi ang mga itsura nila.

Hindi ko na lang sila pinansin at bumili na lang ako ng inumin para sa amin ni Ryker.

“Thank you,”kinuha ko iyong bottled watter at nagmadaling lumabas at noong tinignan ko sila ay palabas na rin sila ng cafeteria kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad pabalik sa student lounge.

“Okay ka lang?”tanong sa akin ni Ryker noong bumalik ko.

Lumingon ako at nakita ko na nakaupo naman sa garden iyong dalawang lalaki.

“Meron kasing sumusunod sa akin”sabi ko sa kanya at kumuha ako ng magazine para magtakip ng mukha.

“Na saan?”

“Naka upo sila sa may garden…”sagot ko pero hindi ko na ulit sila tinignan dahil mas lalo lang akong kinakabahan.

Nasaan ba kasi si Twixx?

“Baka sila iyong mga tao ni Axel? Kanina pa rin kasi sila nandito”baka nagpapanic lang ako masyado.

Baka masyado lang akong nagooverthinm na akala ko lahat ng tao sa paligid ko ay sasaktan ako.

“Bakit kasi hindi sinasagot ni Twixx iyong mga tawag ko?”tanong ko kay Ryker habang paulit-ulit kong tinatawagan si Twixx, pero hindi niya talaga sinasagot.

Meron na bang nangyari na masama?

“Huwag ka magpanic, okay? Tinext ko na si Markus, papunta na siya sa unit ni Twixx”tumango lang ako pero hindi pa rin nagtatanggal iyong kaba sa dibdib ko.

“Should we go somewhere?”I asked him.

“I said don’t panic, Ericka”he chuckled. “We are surrounded by CCTV cameras, we’re safe here”

“You know that I just feel safe when Twixx is around”he nodded.

Mabuti na lang at maiintindihan niya iyon.

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon