Kabanata 43

7 0 0
                                    

“Bukas na iyong trial, ready ka na ba?”tanong niya sa akin.

“How’s the board exam? Nakasagot ka ba?”binalik ko iyong tanong sa kanya.

Palagi niya kasi akong binibisita dito sa kulungan, hindi ko alam kung nakakapagreview pa siya ng ayos. Hindi ko na tatanungin si Paulo, alam ko naman na kahit nasa Korea sila ni Yve ay magtatop siya sa board exam.

Sana ako rin. Sana kami rin ni Eri.

“You will still see me on the top, Twixx.”he chuckled.

Nakakainggit.

Sana masaya rin ako.

Sana may natitira pang dahilan para lumaban ako.

Tanggap ko naman e.

Tanggap ko naman na kahit anong gawin ni Markus, Lukas at Kyle ay hindi na ako makakaalis dito.

“Si Aries, he’s a good prosecutor. Hindi tayo mananalo sa kanya,”iyon naman kasi ang totoo. Paano nangyari na tinalikuran ako ng lahat ng kaibigan ko?

Si Axel hindi na nagpaparamdam. Si Alex dapat ang hinihingan naman ng legal advice, pero wala siya hindi na namin alam kung nasaan siya. Si Charles naman tinalikuran ako, sinabi niya sa tatay ko kung nasaan kami ng araw na iyon. Si Ryker na lang ang kaibigan na meron ako.

“You think he is?”

I nodded. “Nanalo lahat ng kaso na hinahawakan niya, Ryker”

Naalala ko pa 'yung mga kinukwento niya sa akin tungkol sa trabaho niya, kinukwento niya sa akin kung paano niya nagagawang hanapan ng butas ang mga inosenteng tao. Hindi ko naman inaasahan na gano'n din pala ang gagawin niya sa akin ngayon.

“Please don’t give up,”Ryker said.

“Kailangan mo patunayan kay Eri na innosente ka. Kailangan mo makalabas dito, Twixx.”

“My bank account---”

“Forget about the money, ako na...”umiling ako. Ayaw ko na mabawasan iyong savings niya para sa akin.

“There’s an unknown person who’s depositing money on my bank account, Twixx. Hindi namin matrace kung kanino galing."

“Who’s helping us this time?”I asked.

“I guess it’s Axel…”nabuhayan ako dahil sa sinabi niya. Hindi niya kami pinabayaan.

“Siya lang iyong tao na kayang magbigay ng gano’ng kalaking pera, Twixx. I know it’s him. I know that he’s still helping us."

Silence.

“And Alex came to the condo yesterday. He’s helping Markus,”they came back for me. "Approved na 'yung mga evidence na pinasa namin, konting tiis na lang."

“Si Charles lang ang witness nila, kaya natin baliktarin iyong lalaking ‘yun”

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

“Kapag nakulong ka, they will re-open the case.”sabi pa niya. “Just hold on a little bit, Twixx. Ilalabas ka namin dito.”

****

“Kahit ano’ng mangyari, ilalabas natin ang totoo. Don’t mind if you’re proven guilty today, okay?”Markus said, I nodded. "Basta ilalabas namin dito,"

“And stop looking at her, Twixx, focus.”

Parang tumaba siya ngayon, mukhang hindi nga siya pinapabayaan ni Stephen. Mukhang mas okay na wala ako sa buhay niya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siya kasama ni Stephen.

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon