Kabanata 47

9 0 0
                                        

Umiiyak ako habang pinagmamasdan kong natutulog ang anak ko. Kung alam niya lang kung gaano ko nasaktan ang tatay niya dahil wala akong maalala. Kung alam niya lang kung gaano nahirapan ang tatay niya para lang protektahan kaming dalawa. Kung may isa akong hiling, iyon ang makita ko si Twixx.

Gusto ko na siyang bumalik.

“Mommy,”nagising si Theo kaya agad kong pinunasan iyong luha sa mga mata ko.

“I saw daddy on my dreams, he hugged me tight and it felt so real."

I smiled. “Talaga?”

Theo nodded. “Mommy in my dreams, daddy and I were eating our favorite dumplings!"

Hindi mapigilan ng luha na pumatak sa mga mata ko dahil sa sinasabi ni Theo sa akin. Naaawa ako sa anak ko dahil hindi ko mabigay sa kanya iyong bagay na gusto niya, iyon ang makita niya ang tatay niya.

“Why are you crying, mommy?”umiling ako at ngumiti.

Ang alam ni Theo na nagtratrabaho si Twixx sa ibang bansa bilang doktor din. Hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari kung bakit biglang nawala ang tatay niya. Hindi rin naman kasi alam ni Twixx na may anak siya. Paano na lang kung may ibang pamilya na pala siya? Paano kung may anak na pala siya sa iba? Paano ko iyon sasabihin kay Theo?

“I am happy,”

“I wanna see daddy, mommy.”he frowned so I hugged him tight. This is the least thing I could do.

Kung p'wede ko lang sabihin sa kanya na ako ang dahilan kung bakit umalis ang daddy niya. Kung p'wede lang pero hindi ko iyon kayang sabihin sa kanya kasi hindi naman niya maiintindihan.

“He’s coming home soon,”I said. “I promise that he will come home soon, Theo.”

Bumangon ako at pumunta sa kusina para maghanda ng almusal ni Theo. Hindi ako pumasok ngayong araw kasi sabi sa akin ni Paulo ay huwag daw muna ako pumasok dahil sa nangyari sa akin kahapon. Mas okay na rin na ganito para makapagbonding kami ng anak ko at nakakapagpahinga rin ako.

“Mommy, can we buy ice cream later?”Theo asked, he knows that I can't say no to him.

“Ericka,”lumingon ako nang makita ko si Ryker na may dalang cake.

“I bought some cake.”

“Anong meron?”tanong ko sa kanya. Wala naman akong naalala na may birthday ngayong araw, hindi rin naman niya birthday ngayon.

“Masama ba magdala ng cake, ha, Ericka?”inirapan ko siya tapos kinarga niya si Theo habang binubuksan iyong box ng cake.

Nakikita ko sa mukha ng anak ko na gusto niyang kumain ng cake, ang hilig niya talaga sa matatamis. Ito namang si Ryker, palagi na lang siya nagdadala ng pagkain dito sa bahay.

“Bakit ba kasi hindi ka na mag-asawa, ha, Ryker? Wala ka na ba talagang balak, ha?”nasamid si Ryker dahil sa sinabi ko kaya inabutan ko siya ng baso ng tubig.

“Nag-uusap pa ba kayo ni Alyssa?”tanong ko sa kanya kasi alam ko naman na wala siyang ibang kinuwento sa akin noon na babae kung ‘di iyong Alyssa na may asawa na sa ibang bansa.

“Hindi na!”galit na sabi niya. Mukhang hanggang ngayon ay galit pa rin siya, nagtanong lang naman ako.

“Ninong Ryker, let’s buy ice cream!”Theo pouted at his ninong Ryker.

“In one condition,”Ryker grinned. Iyong mga ngiti niyang gano'n ay hindi katiwa-tiwala, e. Parang palaging may binabalak na masama.

“Kapag naglaro kayo ni Isaiah ng football, hit his head, okay?”binatukan ko si Ryker dahil sa sinabi niya sa anak ko. Tinuruan pa talaga maging sadista ang anak ko.

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon