Kabanata 27

5 0 0
                                    

“Magkikita kayo ni Twixx?”tanong sa akin ni Ryker habang nagaayos ako ng gamit.

Tapos na kasi ang shift namin ni Ryker ngayong araw. Si Ryker ang kasama ko ngayon sa hospital na ito para sa OJT namin. Sa ibang hospital kasi na-assign si Twixx.

Noong nalaman niya na kasama ko si Ryker pakiramdam ko sumama ang loob niya sa dean namin.

“Magluluto siya ng dinner sa condo niya”sagot ko.

“Doon ka matutulog?”tanong pa niya sa akin habang hinahanap niya ang susi ng kotse niya.

Tumango ako.

High-profile kasi iyong kaso na hinahandle ni kuya ngayon kaya pakiramdam ko sa Law Firm na naman siya matutulog, kasama naman niya doon si Kyle.

Si Stephen naman, hindi ko alam. Hindi siya nag-apply doon sa Law Firm kung saan nag-apply sila kuya.

“Bakit doon?”

“Binilin ako ni kuya kay Twixx. Delikado raw kasi iyong pamilya noong kalaban ng kliente nila”sagot ko.

Natawa lang siya. “Ang tapang ng kuya mo noh, Ericka?”

Tumango ako.

Hindi siya takot mamatay. Hindi siya natatakot kung may nagtatangka sa kanya na papatayin siya. Hindi siya natatakot sa mga banta lalo pa’t ngayon na wala namang pumoprotekta sa kanya.

“Si Markus? Okay naman siyang Lawyer?”tanong sa akin ni Ryker habang nagdadrive siya.

Sabi kasi ni Twixx ay ihatid niya ako sa condo, medyo malelate raw kasi siya kasi dadaan pa siya ng grocery.

“Wala pa siyang trabaho”sagot ko.

“Sa tingin mo, magaling kaya siyang lawyer?”tinignan ko si Ryker, seryoso ang mukha niya kaya alam ko na hindi siya nagbibiro.

“Oo naman…”

I saw on my peripheral view that he smiled. “Gusto mo ba na bigyan ko na siya ng trabaho?”

“Bakit gusto mo na ba maging kriminal ngayon, ha, Ryker?”natawa lang siya sa sinabi ko.

“Alam mo ba kung bakit talaga pinag-aral ni Twixx si Markus?”agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

“Kasi niligtas niya kayo,’di ba?”umiling siya.

“Bukod doon ay meron pa”hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanya.

“This is all his plan”he said.

Wala siyang sinabi sa akin dati na may iba palang rason.

“Noong nakilala ka ni Twixx, he knew that you were the one. Alam niya rin na kaya kang saktan ng pamilya niya… Kaya noong nalaman ni Twixx na graduating si Markus, tinulungan niya ito”

“Bakit?”hindi ko kasi magets ang lahat.

“Para kung sakali na may mangyari sa ‘yo o sakanya na masama, meron kayong Lawyer… Isa siyang Solano, Ericka. Kinakatakutan ang pamilya niya at walang hahawak ng kaso niyo kung sakaling kakalabanin niya ang pamilya niya”

“Kakalabanin niya ang pamilya niya?”

Tumango ito.

“Gagawin niya iyon para protektahan ka”sagot niya.

“Kaya niyang talikuran ang pamilya niya kapag meron silang ginawang masama sa ‘yo, Ericka.”

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. This is about my me and Twixx’s family. Ayaw ko na piliin niya ako at iwan niya ang pamilya niya, pero gusto ko rin mabuhay kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon