“There will be new investigation for Ericka’s case and this time papagbayaran na talaga ng tatay mo iyong krimen na ginawa niya…”Markus said while we’re on our way to my condo unit. Siya kasi ang nagsundo sa akin sa kulungan.
“Ryker cooked dumplings, nando’n na sila sa condo.”tumango ako. “Hindi ka ba masaya, Twixx?”
Parang may kulang pa rin. Nakalaya na ako pero parang malungkot pa rin ako.
“Masaya naman,"
“Don’t worry Lukas will handle Ericka’s case. I’m sure they will win.”I nodded.
“Si Aries pa rin ba iyong prosecutor?”kasi kung siya pa rin alam ko na mananalo sila Ericka.
Wala naman akong ibang gusto kung ‘di ang pagbayaran ni daddy ang ginawa niya kay Eri at sa mga naunang mga innosenteng tao na pinatay niya.
“I don’t know, wala na akong balita sa kanya.”sagot niya.
“Si Charles, ayaw mo ba siya makita?”
Umiling ako. “Ayoko,”
“Pero hindi ba’t mas maganda kung tatanungin mo kung bakit niya ginawa iyon?”umiwas ako ng tingin sa kanya.
Nagsinungaling siya.
Tinalukuran niya kami.
Pinili niya iyong sarili niya. He ruined everything when he decided to throw our friendship away with his actions and decisions.
“Welcome home!”sinalubong ako ng mga kaibigan ko pagpasok ko ng unit ko.
Kahit sila ang nandito, si Eri pa rin ang naaalala ko. Iyong mga ngiti niya at iyong mga tawa niya. Lahat. Kahit saan ako lumingon, siya lang at ang mga alaala ang nakikita ko.
“Hey, can we talk for a minute?”hinila ako ni Paulo papunta sa balcony habang kumakain ang mga kaibigan ko.
“Si Charles,”nakatingin lang ako sa kanya.
“Pinapunta naman siya dito,"
My jaw clenched. “Para saan pa? Dahil sa kanya muntik na akong makulong habang buhay, Paulo!”
“ I know you won't believe it but Charles is secretly helping Kyle with your case. Maling information iyong nilagay niya sa affidavit, Twixx. Maling information iyong binigay niya kasi pinoprotektahan ka pa rin niya.”
“Pero nagsinungaling siya!”
“Kasi may hawak tayo na ebidensya, Twixx. Kailangan niya labanan iyong ebidensya natin para magmukhang tinalukuran niya tayo."umiwas ako ng tinging. "Kasi iyon ang gusto ng daddy mo, ang masira tayo hanggang sa magpatayan tayong lahat, Twixx!”
Nabalot ng katahimikan ang paligid. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa nalaman ko.
“You should talk to him, Twixx."he said. “He’s still our friend even he betrayed us.”
Nauna akong pumasok sa loob at kumuha ng inumin. Naabutan ko si Ryker na kumakain at nakatingin sa akin. “Ano’ng plano mo sa unit na ‘to?”
“Can you sell it for me? Ihulog mo na lang sa bank account ko iyong pera,”sagot ko. “Magpatulong ka na lang kay Markus."
“Bakit?”
“I need to leave as soon as I can,”I replied.
“Ibebenta mo talaga ‘tong unit? Ang dami niyo kayang memories dito ni---"hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya.
“But she’s gone. Siya na mismo ang nagsabi sa akin na hindi na babalik iyong Eri na minahal ko,”ngumiti ako kahit masakit.
Naaalala ko pa rin kung paano niya sinabi sa akin na kahit bumalik 'yung alaala niya ay kakalimutan niyang minahal niya ako. Naaalala ko pa rin kung paano siya pinahirapan ng tatay ko. Hindi iyon ang gusto kong mangyari sa buhay namin ni Eri.
BINABASA MO ANG
What If We Try?
General Fiction(What If Series #3) Ericka Ivy Tan's dream was to become a doctor and top the board exam. She was a consistent honor student every since she was young and she was always on the top of everything. But her perfect dream changed when she started her Co...