Kabanata 14

6 0 0
                                    

"Good luck!"sabi sa akin ni Twixx dahil magsisimula na ang exam namin. Tatlong subjects na tuloy-tuloy lang naman, dalawang major subjects at isang minor.

"Good luck din, Twixx"I smiled at him.

"Ang bilis ng first semester, noh, Eri?"sabi pa niya sa akin tapos tumango naman ako.

"Saan ka pala magsesembreak?"tanong ko sa kanya.

"Uuwi ako sa Tagaytay, ikaw?"magkakalayo pala kaming dalawa sa sembreak, although tatlong linggo lang naman 'yon, pero matagal na rin 'yon.

"Uuwi rin kami ni kuya sa Pangasinan"sabi ko sa kanya tapos tumango naman siya.

"Feeling ko mamiss kita"sabi ko sa kanya tapos ngumiti naman siya sa akin.

"Three weeks feels like 30 years when you're not around"hindi talaga nauubusan ng kalandian itong si Twixx.

"Ayan na naman yang kalandian mo"I laughed.

He leaned forward to me. "Huwag kang magpapamiss masyado ha"

"Bakit naman?"I asked him.

"Kasi baka sundan kita"inirapan ko siya sa sinabi niya, masyadong pafall.

"As if mahahanap mo ako"sabi ko sa kanya.

"I have my ways, Eri, remember?”he grinned and I cupped his face.

"Hanapin mo ako sa Pangasinan, ha"

"What if I find you?"he asked me.

"Then I'll tell you something"I said then we both smiled on each other.

"Is it worth hearing for?"I sighed.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at sinulatan ko na lang 'yong bubble sheet ko ng pangalan ko paa hindi na ako mahirapan mamaya.

"Ericka..."tinawag ako ni Twixx kaya lumingon sa kanya at hindi niya pa rin inaalis 'yong tingin niya sa akin.

"Hmmm?"I asked him.

"I just want you to know that every words you said is worth hearing for"he smiled then he tapped my shoulder.

Bigla na lang dumating 'yong prof namin kaya nagready na ako para sa exam namin ngayong araw. Pagkabigay ng prof sa amin ng test paper ay agad na rin kami nagsagot.

Hindi ako masyadong nahirapan kasi pinagaralan naman kasi namin ito ni Twixx kagabi at kampante rin ako na makakakuha kaming dalawa ni Twixx ng mataas na score.

Maybe I'm in love with him. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na huwag si Twixx kasi malandi siya, pero ang totoo? Natatakot lang naman ako na mahulog sa kanya at kapag nalaman  ni mommy ay paghiwalayin lang kaming dalawa.

After ng tatlong exam ay niyaya ako ni Twixx na tumambay muna sa field dahil kailangan namin antayin sina kuya na matapos sa exam nila kasi naiwan ko 'yong susi ng unit sa loob ng kwarto ko.

May mga nagtetraining na mga varsity ng soccer dito sa field tapos nandito kami sa may bleachers nakaupo ni Twixx at pinapanood sila maglaro sa ilalim ng araw. Malakas ang hangin kaya medyo nakakaantok, hapon pa lang naman pero parang gusto ko na matulog. Siguro dahil ito sa pagod sa pagsasagot ng exam kanina.

"Matagal pa ba sila? Gusto mo kain muna tayo?"tanong niya sa akin.

"Tara,"

Nauna akong umalis tapos nakasunod naman siya sa akin. Naglakad lang kaming dalawa ni Twixx hanggang sa makarating kami sa may Mcdonalds. Umorder ako ng pagkain ko tapos nasa likod ko pa rin si Twixx, hindi ko siya kinakausap kasi nagugutom na talaga ako.

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon