Kabanata 16

4 0 0
                                    

Nandito na nga kami sa Pangasinan pero wala sina mommy at daddy dito sa bahay. Si daddy ay bukas pa raw uuwi galing business trip niya sa Italy tapos si mommy naman ay bukas pa rin uuwi kasi meron silang Medical Mission sa Bataan.

Nandito kami ni Stephen sa may beach side ng resort namin, nakakamiss talaga ang dagat pati na rin ang paglubog ng araw. Tahimik namin pinapakinggan ni Stephen ang ingay ng dagat kasi sobrang sarap niya pakinggan, parang nakakalimutan ko ang mga problema ko.

"Maganda pala dito, bakit ka pa umalis at pumunta ng Manila?"tanong sa akin ni Stephen.

"Wala naman akong choice"I chuckled.

"Kung may choice ka ba, hindi ka na babalik sa Manila?"tumango ako sa sinabi niya sa akin.

Kung ako lang naman kasi ang tatanungin ay mas gusto ko pa na dito na lang ako kasi sobrang tahimik ng buhay namin dito tapos nandito rin 'yong dagat na nagsisilbing hingahan ko kapag may problema ako.

Kung pwede nga lang na dito na lang ako, bakit hindi? Huminga ako ng malalim at tumingin ako kay Stephen.

"Alam mo may mga bagay naman na kahit iwan mo ng matagal ay mananatili silang nandyan"sabi ko sa kanya tapos tumango naman siya.

“Did someone break your heart?”

Silence.

"It was my dad. I still remember that day"I said as we both looked at each other.

"I still remember the day how he fall out of love with my mom. I saw how painful love is that time. I saw how my mom cried every night since dad left us. That day I told to myself not to fall in love, because I'm scared to get hurt by someone"I explained.

"I guess we both have a dad issues here"he chuckled.

I chuckled.

"Do you wanna risk him?"he asked me.

"I wanna"I answered.

"Sana hindi ka niya saktan"he said.

Iyon lang din naman ang gusto ko para kay Stephen. Sana kapag nakakilala na siya ng babaeng para sa kanya at hindi siya saktan neto. Ayoko lang makita ang mga malalapit sa akin na nasasaktan kasi nasasaktan din ako para sa kanila.

"Stephen! Ericka! Dinner is ready"kuya shouted our names while waving on us.

Naglakad kami pabalik sa rest house na nandito lang din sa resort. Nakita ko na nauna na si Kyle na nakaupo sa may lamesa at hindi siya makapaniwala na madaming pagkain ang hinanda para sa amin.

Apat lang kaming kakain pero sobrang daming pinaluto nina mommy, parang may fiestahan. Well, it's good to be back.

"Grabe 'yong resort niyo Lukas, crowded!"sabi ni Kyle habang sumasandok ng pagkain.

"Yeah less than ten customers"sagot ni kuya at lahat kami ay natawa.

This is one of the best resort in our province. I still remember when kuya and I were young, kapag nagaaway kaming dalawa ay natutulog kami sa mga vacant rooms sa resort tapos kinabukasan ay magkabati na ulit kaming dalawa.

"Can I use the pool later?"tanong ulit ni Kyle.

"We have one in the garden. You are free to swim there, Nemo…"sagot ni kuya.

"Wala ka bang pool sa bahay?"

Kyle sighed. "I missed mom"

Silence.

"Do you think they will still accept us even we ran away?"tanong ni Kyle sa kuya niya.

"I ran away many times, but look where am I"Kuya said.

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon