Ericka's POV
Years passed, yet I can't still remember my past. Twixx proven not guilty. He's gone after the trial. Hindi ko man lang siya nakausap at natanong kung ano talaga ang meron kami. And It's been a year since I left the house.
Gusto kasi ng mga magulang ko na ipalaglag ko ang anak ko, pero hindi ko iyon kaya. Iyon ang dahilan kung bakit ako lumayas sa bahay, hindi ko kayang pumatay ng inosenteng bata.
"Hey,"Ryker entered the unit holding a plastic full of foods.
"Ninong Ryker!"sinalubong ng anak ko ang ninong niya at agad naman siyang kinarga neto.
"Do you have my favorite food?"Theo asked, he's super cute like his dad.
"Oo naman,"Ryker chuckled, I guess that he's enjoying taking care of my kiddo.
Ewan ko ba kasi dito kay Ryker, konting taon na lang naman ay magiging Neurosurgeon na siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nagiging girlfriend. May kinukwento sa akin si Paulo tungkol sa naging Fiancé ni Ryker, pero sabi niya nagpakasal na raw sa ibang lalaki iyong Alyssa.
Ang tagal na no'n pero parang hindi pa rin nakakamove-on si Ryker sa nangyari. Mukhang mahal na mahal niya iyong Alyssa at hindi niya mapalitan. Kawawa naman tuloy siya, tatanda na yata itong binata.
"Wala pa rin bang balita kay Twixx?"tanong ko sa kanya pero umiling ito.
Araw-araw ko siyang hinahanap kay Ryker kasi nagbabakasali ako na makikita ng anak ko iyong tatay ng anak ko. Sinabi ko noon sa sarili ko na ayaw kong makilala ng anak ko si Twixx, pero noong sinabi sa akin ni Ryker ang lahat at totoo nagbago ang isip ko.
Alam ko na hindi siya masamang tao, pinatunayan niya naman iyon sa korte. Binrainwash ako ni Stephen kaya ako nagalit sa kanya, pero mali iyong ginawa ko. Mali na hinusgahan ko siya. Dapat inalam ko muna ang totoo bago ako nanghusga.
"Hinanap na namin siya sa Batanes, pero wala talaga."hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nawala, gusto ko lang naman na makita siya ni Theo.
"Mommy,"lumapit sa akin ang anak ko at niyakap ang mga tuhod ko.
"When will I see daddy?"
"Soon,"I placed a kiss on his forehead and grabbed my coat. Hindi ko kasi alam kung kailan talaga, ayaw ko naman na lumaki si Theo na hindi niya nakikita ang tatay niya.
"Ikaw na muna bahala kay Theo, ha? Kapag nawala mo na naman ang anak ko baka mapatay na talaga kita, Ryker!"naalala ko na naman iyong nangyari noong Finals ko last year.
Tinawagan ko si Ryker para bantayan si Theo dahil may exam ako. Ilang oras ang lumipas tumawag agad siya, wala na raw si Theo sa sasakyan niya. Ayun pala naiwan niya sa bahay nila. Mabuti na lang nando'n si Khallie.
Mabuti na lang at sinabi agad ni Khallie na nasa bahay nila si Theo, kung hindi ay ibabagsak ko talaga ang exam na iyon para hanapin ang anak ko. Si Ryker naman kasi parang sira-ulo, hindi ko na talaga siya maintindihan.
"Yes, doktora!"inirapan ko siya at niyakap ulit ang anak ko. Kahit saang angulo ko tignan si Theo ay nakikita ko lang sa kanya si Twixx, kamukhang-kamukha kasi niya ang tatay niya, lalo na ang mga singit na mata neto.
"Can you buy me some dumplings later, mommy?"Theo asked me. Para siyang si Twixx na mahilig sa dumplings.
"Ninong Ryker will cook dumplings for you, 'di ba, Ryker?"tinignan ko ito ng masama at tumango naman siya.
"Hindi ako marunong magluto, Ericka."mahinang sabi ni Ryker habang karga si Theo.
"Igoogle mo na lang, late na ako!"kinuha ko iyong susi ng kotse ko at bago ako lumabas ng pinto ay tinignan ko si Theo na kumakaway pa rin sa akin.
BINABASA MO ANG
What If We Try?
General Fiction(What If Series #3) Ericka Ivy Tan's dream was to become a doctor and top the board exam. She was a consistent honor student every since she was young and she was always on the top of everything. But her perfect dream changed when she started her Co...