Kabanata 48

11 0 0
                                    

Wherefore, premises considered, this court find the accused Twixx Sebastian Solano, not guilty for the crime Frustrated Murder.”

Not guilty.

Not guilty.

Not guilty.

Paulit-ulit kong naririnig iyong hatol sa kanya habang nakikita ko kung paano siya magsaya dahil natakasan niya iyong krimen na nagawa niya. Pinagtangkaan niya iyong buhay ko at ng anak niya, paano niya nagagawang magsaya?

“Let’s go, Ericka!”galit na sabi ni daddy.

Hinila niya ako palabas ng korte habang nakasunod naman sa amin si mommy at Stephen. Wala si kuya. Nando’n siya sa panig nila Twixx, naniniwala siya na inosente si Twixx.

Tinulungan niya iyong attorney ni Twixx para maghanap ng ebidensya na nagpapatunay na wala ngang kasalanan si Twixx.

“Ericka,”lumingon ako at nakita ko si Charles.

“Mag-uusap lang kami ni Charles, dad. Mauna na po kayong umuwi.
Magpapahatid na lang ako sa kanya.”tumango si daddy at naunang sumakay sa kotse, gano’n din si mommy.

Nakita ko si Stephen na nakasakay sa kotse niya at katulad ko, hindi rin siya makapaniwala na not guilty iyong hatol kay Twixx.

Dumiretcho kami sa isang restaurant, ito iyong sinasabi ni Charles na pagmamay-ari nilang magkakaibigan. Tahimik lang si Charles na kumakain.

“We lose,”I said when I finished my food.

“Sorry…”Charles replied.

“Hindi mo naman kasalanan na---”

“I lied,”my lips parted.

“What?”

“My testimonies was not true, Ericka.”he bow down his head and started to cry.

“I only did that so I can save Yssa from Twixx’s dad. Hawak niya iyong girlfriend ko, Ericka. Kailangan kong maging witness mo para hindi niya patayin si Yssa...”

“Charles,”nanlambot iyong mga tuhod ko at pilit kong pinipigilan na huwag pumatak iyong mga luha sa mga mata ko.

Hawak ko iyong dalawang kamay ko habang hindi ko inaalis iyong tingin ko sa kanya.

“Hindi si Twixx iyong may gustong magpapatay sa’yo, Ericka. Iyon ang totoo. Prinotektahan ka niya laban sa tatay niya, pero wala e, hindi niya kaya si tito.”

Patuloy lang ako sa pag-iling ko.

“Nagsisinungaling ka lang, Charles.”sabi ko sa kanya. “Pinagbantaan ba niya ang buhay mo, ha?”

“Here,”inabot niya sa akin iyong cellphone niya at saka ko nakita iyong Instagram Account ni Twixx.

Puro litrato naming dalawa. Ayaw ko maniwala. Ayoko maniwala sa mga nakikita ko.

“Mahal na mahal ka ng kaibigan ko, Eri. Wala siyang ibang gusto kung ‘di ang maging ligtas ka. Gusto niyang ilayo ka sa mga tao na gusto kang saktan, sa pamilya niya.”tinakpan ko iyong mata ko gamit ang mga kamay ko.

Umiling ako.

“Hindi totoo yan…”

“Bakit ako magsisinungaling sa’yo, Ericka? You’re my friend, my real friend.”he replied.

“Naipit lang ako sa inyong dalawa at hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya mas pinili ko na magsinungaling para mailigtas ko si Yssa."

“Drive me home, Charles. I’m tired.”I stood up and walked out of the restaurant.

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon