Kabanata 10

4 0 0
                                        

Pagising ko ay hindi na naka-yakap sa akin si Twixx. Nakaharap na siya sa may bintana at unan na talaga ang yakap niya. Hindi ko talaga inaasahan na gano’n 'yung naririnig ko sa kanya kagabi.

Lumipat sa may sofa dahil baka maabutan pa ako nina kuya na katabi si Twixx at pagisipan pa kami ng masama.

Pumikit ulit ako habang nakayakap ako sa paborito kong unan. Hindi nagtagal ay narinig ko na merong nagbukas ng pinto ng kwarto ko at hininaan ang aircon, pakiramdam ko ay si Kyle 'yon kasi kami lang naman dalawa ang maayos pa kagabi.

Patuloy akong nagkukunwaring tulog dahil ayoko pang sumagot ng madami nilang tanong tungkol sa kung ano nga ba ang nangyari kagabi. Ang alam ko lang naman ay ang dami nilang ininom kagabi.

Lalo na itong si Twixx, ginawa niya lang namang juice ang cocktail.

Napaka-tanga.

Hindi na rin ako makatulog ulit kaya bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Ang sarap pa kasi ng tulog ni si Twixx sa kama ko, nag-eenjoy pa nga yata siya sa panaginip niya. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Kyle na nagluluto ng almusal.

Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy lang siya sa ginagawa niya. Hindi ko nga alam kung napansin niya na nandito ako nakaupo sa likuran niya. Nararamdaman ko na rin ang gutom, pero parang nakakahiya ang magsalita kasi sobrang tahimik ni Kyle.

"Fuck!"nagulat si Kyle noong nakita niya ako.

"Nagmumura ka na naman"

He laughed. "Nagulat lang ako"

Ang cute talaga ni Kyle kapag tumatawa kasi nawawala nga talaga 'yung mga mata niya, parang nawawala ‘yung mga eyeballs niya kapag tumatawa.

Sa kanilang magkakaibigan napansin ko na siya ang pinaka-mahilig magluto, kasi siya ang palagi kong nakikita na nagluluto pati na rin ang kapatid niya na si Stephen.

Noon ay nawiwirdohan ako kasi nandito sila sa unit, pero ngayon na napalapit na sila sa akin parang ayoko na silang umalis dito. Lalo na si Stephen.

"Sigurado ako na hapon pa magigising ang mga pasyente mo"he chuckled.

"Pasyente ko?"I asked, he nodded.

"Ikaw lang naman ang magiging doctor dito kasi attorney ako"he said.
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag merong naniniwala sa 'yo at sa kakayanan mo.

Parang ang sarap mag-aral kasi pakiramdam mo ay madaming naniniwala sa 'yo, sa pangarap mo, na kaya mo.

Mabuti na lang at sila ang mga tao sa paligid ko. Sana kapag naging doctor na ako ay nasa tabi ko pa rin sila. Kahit hindi nila ako masyadong nakasama ng ganung katagal ay pinaramdam nila sa akin na belong ako sa kanila.

Ang sarap sa pakiramdam.

"Kain na tayo, doc"he chuckled.

Hinain niya sa lamesa ang mga niluto niyang mga pancakes. Ang galing lang kasi sobrang perfect ng pagluluto niya. Kapag kasi ako ang nagluto ng pancakes ay may mga part na suno.

Pero siya sobrang perfect. Meron din siyang niluto na waffles, pakiramdam ko tuloy ay nasa hotel ako dahil sa mga pagkain na ito.

"Ayaw mo ba?"

"I'm just surprised. Ang galing mo magluto"I said then he chuckled.

"It's my passion. I love cooking"he said.

Sana lahat kasi kahit ano’ng gusto ko magluto ay hindi naman ako marunong. Kahit ilang beses kasi akong sumubok ay palagi na lang sunog ang niluluto ko. Kung hindi naman sunog ay hilaw. Gusto ko magluto, pero ayaw sa akin ng pagluluto.

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon