Chapter 2

100 45 45
                                        

Chapter 2: The Letter

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 2: The Letter

Lei's Point of View

Maaga akong nagising pero tulad ng nakasanayan hindi ko sila nakakasama sa breakfast. Alam ko namang mahal ako ni daddy pero busy siya palagi sa work. Si mommy naman... haysst... Kailan ba niya ako tatanggapin bilang anak?

"Ma'am Lei, handa na po ang agahan niyo," tumango ako.

"Thank you, Yaya Linda," kaswal kong sabi at tsaka kumain.

Pumunta na ako sa school at dumaan ako sa locker ko. Nakita ko ang isang sulat at rosas. KANINO NAMAN GALING TO?? Binasa ko iyon.

Dear Lei,

I KNOW YOU DON'T REMEMBER ME BUT I'M ALWAYS HERE TO SAVE YOU. SANA DUMATING 'YUNG ARAW NA, MAALALA MO LAHAT. PATI NA AKO. ESPESYAL KA SA 'KIN NOON PA MAN. HINDI KO LANG KAYANG SABIHIN KASI NATOTORPE AKO... HEHE... NAHIHIYA KASI AKO EH. NANDITO LANG AKO PALAGI, LEI. 🥰

Love,
WCV

Sino bang nagbigay sa 'kin nito? Anong sinasabi niyang sana maalala ko lahat? Hindi ko maintindihan. Pero napangiti din ako sa letter na 'to, kahit papaano sweet siya pero hindi ko alam kung sino ang nagbigay. Gusto ko sana siyang pasalamatan dito.

"Oy, ano 'yan ha? Lei ano 'yan?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Rosea sa likod.

"Letter at isang rose," kaswal na sagot ko sa kanya.

"Sino nagbigay, Lei?! Kyaaah! Sino?!" Malakas na sigaw ni Rosea. Agad kong tinakpan ang bibig niya para walang magtataka kung bakit napasigaw siya sa kilig.

"Ang nakalagay WCV, hindi ko siya kilala," sabi ko sa kanya.

"Alam mo ba kung ano ibig sabihin ng WCV?" tanong ko pero umiling lang siya at nagsalitang muli.

"Hindi eh, pero kinilig ka naman no?" Tanong niya. Binatukan ko siya.

"Hindi no, leche ka. Kailan pa ako kinilig sa letters at rose ha? Alam mo namang choosy ako pagdating sa mga lalaki. Gusto ko 'yong may... katangkaran, may respeto sa 'kin at tsaka full effort. Hindi ko talaga alam kung sinong nag-iwan dito sa locker ko," sabi ko.

"Tara na nga. 'Wag mo na munang isipin 'yan," sabi ni Rosea. Pumunta na kami sa classroom. Sakto lang ang pagdating namin dahil kasunod pumasok na ang prof. namin this morning.

Hindi mawala sa isip ko ang letter na 'yon. Curious na talaga ako kung sino 'yung nag-iwan ng letter. Sino kaya 'yun?

Lutang na naman ako. Hindi ko narinig ang sinasabi ni Prof. Henry hanggang sa mag-ring ang bell.

Decided | ✓Where stories live. Discover now