Completed | Raw/Unedited
She said she's still confused of what was happening around her... but little did she knew, she's been sacrificing and suffering from her disorder and even though she's sassy and bitchy, there's always been a part of her that...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chapter 26: I Think I Like Her
Nic's Point of View
Bakit ba ito yung nararamdaman ko kapag nakangiti at nakatitig ka ng matagal sa'kin? May gusto ba ako sa'yo? Pero, imposible naman kasi na may nararamdaman ako sa kanya dahil nagstart kami sa pagkakaibigan. We started as friends but if it will happen that we started to have feelings for each other, things will get more complicated.
"Umm, so... bakit ka nga ba tumitig sa'kin ng matagal?" lakas loob kung tanong sa kanya. Kinakabahan kasi ako eh!
Napaiwas naman siya ng tingin sa'kin at nauutal na nagsalita, naiilang din siyang tumingin sa'kin.
"Ah, hehe... wala lang. Pasensya na kung nailang man kita o hindi." sabi niya habang napapakamot sa anit niya at nahihiyang nakangiting tumingin sa'kin.
"Ah, hindi ako naiilang, ah!" I sounded so defensive saying those words kaya napatawa siya.
"Ang defensive mo naman, aminin mo na lang kasi na naiilang ka talaga." Natatawang sabi niya.
"Hindi, ah! Hindi talaga ako naiilang, promise." Sabi ko.
"Hmm, okay." Sabi niya habang nakakalokong ngumisi sa'kin na para bang gagawa siya ng masama sa'kin.
"Alam ko na ang ganyang ngisi mo. Hindi mo ako maloloko, gumagawa ka na ng kalokohan sa isipan mo, sure ako." Sabi ko.
"Hahaha, okay hindi ako gagawa ng kalokohan sa'yo. Basta aminin mo muna na naiilang ka kanina." Sabi niya kaya napasimangot ako.
"Okay, I admit it. Naiilang ako sayo kanina. Oh, happy ka na ba?" Sabi ko.
"So, you really mean it? Ang isang Brandominic Tejada ay naiilang sa'kin? Woah! It's new to me and it gaves me chills on my spine." Biro niya.
"Full name ko pa talaga ang sinabihan mo?" Tanong ko.
"Oo, may angal ka?" Sabi niya kaya napataas ako nang dalawang kamay senyales na hindi ako aangal.
"Oh, tingnan mo napasaya kita ngayon." Nakangiting sabi ko mayamaya.
"Thank you talaga. I will cherish this moment and make it my memorable day of my life from now on." Pagkasabi niya nun ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko kaya napatitig ako sa kanya kasabay ang pagtibok ng mabilis sa puso ko.
May gusto nga ba ako sa kanya? Yan ang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang tanong na yan. Nakakainis naman!
"Uhh... your welcome?" Patanong kong sinabi kaya napatawa siya. Nahihiya at naiilang kasi ako sa kanya. Nahihiya ako dahil matagal na pala akng nakatingin o nakatitig pala sa kanya. Naiilang ako dahil talagang may kakaiba kasi akong nararamdaman sa kanya.
"Uy! Naiilang na naman siya! Hahaha!" Panunukso niya.
"Hindi kaya." Tanggi ko kaya mas nanukso pa siya sa'kin.