Chapter 15: I Saw Everything
Rosea's Point of View
Pagkatapos ng talent portion ay sunod naman ang Q&A Portion, ang pinakanakakaabang ko dahil dito mo mababase kung sino talaga ang mananalo sa Ms. Pageant. Yes you heard me right, Ms. Pageant, nanunuod ako dahil kasali sa kompetisyon ito ang bff kong si Lei...
Pagkatapos rumampa ng mga naunang candidates ay sunod na lumabas ay si Lei, siyempre mas nilakasan ko ang pagpapalakpak kahit hindi pa sinasabi na 'a round of applause'.
"Well, a round of applause for Candidate #10. So, here's the question, sino ang nagpapasaya sa'yo kahit pansamantalang panahon lang kayo nagkita at nagsama? Imention mo ang nagpapasaya sa'yo." Tanong ni Ms. Bartolome sa kanya.
Hindi ako makapaniwalang ganun ang tanong para sa pageant na ito, ano ba itong pageant na'to? Buhay lovelife? Tsk...
Tinignan ko si Lei na halatang kinakabahan sa kung ano man ang isasagot niya. Ganun din ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot niya, napaghandaan din naman kasi namin ang mga tanong para sa Ms. Pageant pero hindi ganito na ang tanong ay buhay lovelife sa tingin ko. Bahala kayo dyan kung ano ang iisipin niyo...
"Hello Ms. Chanel. Sa totoo lang, nakakahiyang sabihin pero gusto kong ipagpasalamat ang taong ito, ang taong ito ay ang naging bagong kaibigan ko lang dito sa Valzon Academy, siya si Wayne Clark Vallejo. Siya ang nagpapasaya sa'kin kahit hindi ko kailangan ng taong nandyan sa tabi ko. Siya ang nagpapasaya sa'kin kapag malungkot ako. At palagi niya akong tinatabihan kapag meron akong problema at sinasalo sa kalungkutan ko. Kaya salamat sa'yo dahil nandyan ka palagi sa'kin, kahit sa mga panahong malungkot ako, pinapasaya mo ako." Nakatitig lang ako palagi kay Lei habang nagsasalita siya, hindi man lang niya namalayan na meron na palang tumulo na luha galing sa mga mata niya. Tumingin sa'kin si Lei kaya napangiti ako pero may kung anong likido sa mukha ko ang nakapaligid at... galing pa sa mga mata ko. Umiiyak na pala ako, hindi ko man lang namalayan iyon. Hay, nakakainis! Bakit ba ako umiiyak, ayan tuloy ang mukha ko na merong make-up nagkalat na ngayon sa mukha ko. Hay, nakakadala kasi ang mga pinagsasasabi nitong si Lei eh. Pahamak ka Lei! Huhuu...
"That's all thank you." Yun lang at tumalikod na siya pero bago pa siya makalakad ay tiningnan niya muna kami habang nakangiti.
Tears slowly started to stream down my face hanggang sa umiyak ako ng umiyak pero hindi yun gaanong kalakas, nakakahiya kaya!
"Again, let's give Candidate #10 a round of applause for her wonderful answer. Grabe nakakaiyak yun ah, puno ng damdamin ang mga sinasabi niyang mga salita, so anyways..." hindi ko na naririnig ang mga sinasabi ni Ms. Bartolome dahil tanging hikbi ko lang ang maririnig.
Tiningnan ko si Nic na ngayo'y pinipigilang maiyak, halatang hindi niya gustong umiyak dahil sayang lang daw ang luha, tumingin din ako kay Clark na hindi namamalayan na tumulo na pala ang mga
luha niya. Gusto kong tumawa sa hitsura niya pero busy ako sa kakaiyak.
YOU ARE READING
Decided | ✓
RomanceCompleted | Raw/Unedited She said she's still confused of what was happening around her... but little did she knew, she's been sacrificing and suffering from her disorder and even though she's sassy and bitchy, there's always been a part of her that...