Completed | Raw/Unedited
She said she's still confused of what was happening around her... but little did she knew, she's been sacrificing and suffering from her disorder and even though she's sassy and bitchy, there's always been a part of her that...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tw: mention of cheating and depression
A/N: Hello, Chasers! Pasensya na kayo kung hindi ako nakapag update kaagad sa special chapter ng NicRose dahil nilalagnat ako at hindi masyadong gumagamit ng phone pero para sa inyo, kakayanin kung magsulat kung para naman ito sa ikasasaya niyo. OA ko naman masyado, ah basta! Sana mag enjoy kayo sa pagbabasa nito! Salamat sa paghihintay, Chasers! Stay safe and stay healthy! Lovelots! ❤
Masaya ako ng tuloy tuloy ng gumagaling si Lei sa mga nakalipas na buwan pero kailangan pa rin ng treatment sa sakit niya sa utak.
Pero kabaliktaran naman ang nangyayari ngayon sa pamilya ko. Mabuti na lang at nandito palagi sa tabi ko si Nic. Pero mapapansin ko rin sa kanya na parang ang lungkot din niya.
"Rosea, pakopya naman dyan. Ang hirap pala nitong Math. Parang gusto ko nang magquit sa pag aaral ng Engineering." Reklamong katabi ko pero inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagsasagot ko sa quiz namin.
"Sabi ko nga, ako na lang." Aniya pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Ang snob mo naman, hindi naman ako nang aano sayo, infact gusto ko pa ngang maging kaibigan kita para meron akong makausap kahit dito man lang sa room," ani ng katabi ko pero hindi ko pa rin siya pinapansin at mas pinilit ituon ang buong atensyon ko sa pagsasagot nitong quiz na halos ikadugo ng utak ko. Kailangan ko munang magseryoso ngayon.
"Oy, kausapin mo naman ako, kahit ngayon lang." Pero hindi ko pa rin siya pinansin.
"Hoy, sige na. Kausapin mo naman ako." Hindi ko pa rin pinapansin.
"Please, please, please, kahit ngayon lang naman." Doon na ako tuluyang humarap sa kanya saka sinamaan siya ng tingin. Bago ko pa namalayan at napigilan ang sarili ko ay tumayo na ako at sumigaw.
"Sabi kong 'wag mo 'kong kakausapin eh! Ang kulit kulit mo!" Inis na sigaw ko sa kanya kaya itinaas niya ang kanyang mga kamay sa ere na para bang susuko siya sa mga pulis saka nginisian ako. Loko 'to ah! Plinano niya ba 'to?
"Ms. Tan, bakit sinisigawan mo si Mr. Choi?" Natigilan ako sa sigaw ng proffessor namin at tinignan siya, masama na ang tingin niya sa'kin. Terror proffessor pa naman 'to, lagot ako nito!
Ang g*go naman, nanatili paring nakaplaster ang ngisi sa kanyang labi at makikita mo sa kanyang mata ang tagumpay. Ul*l mo, pre! Kitang nanahimik ako rito para hindi ako papagalitan ni prof. tapos ganito lang ang hahantungan ko rito. Ibang klase!