Chapter 30

42 20 11
                                        

Chapter 30: Comatose Again

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Chapter 30: Comatose Again

Clark's Point of View

Pagdating ko sa bahay ay pabuntong-hininga akong bumaba ng kotse at pumasok ng bahay.

Pagkapasok ko ay gano'n na lang ang gulat ko ng makitang nasa harap ko sila mommy at daddy na naghihintay sa'kin. Si mommy ay nag-aalala at si daddy naman ay seryosong naghihintay.

Tumingin sila sa pintuan at nakita nila ako. Alam ko naman kung bakit nag-aalala si mommy at seryoso si daddy, kagabi pa kasi akong hindi umuwi dito sa'min and I understand what mom and dad feels like.

"'Nak, bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni mommy at nag-aalalang tumayo at lumapit sa'kin.

"Nag-aalala kami ng daddy mo sa'yo. Bakit hindi ka umuwi kagabi? May nangyari ba sa ipinagdiriwang niyo?" Sunod-sunod na tanong ni mommy kaya napabuntong-hininga akong sumagot.

"Hinatid ko lang po si Lei dahil lasing siya at madilim na kaya delikado." Sagot ko pero hindi buo.

"Kung hinatid mo si Lei, bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni mommy.

"May nangyari kasi kanina kay Lei at kagabi ay umulan ng malakas. Wala ding nangyari sa ipinagdiriwang namin." Sabi ko.

"Mabuti naman at walang nangyari, pero sabi mo may nangyari kay Lei, anong nangyari sa kanya?" Nag-aalalang tanong niya.

Madali lang talaga mag-aalala si mommy kahit ibang tao pa. That's why I love her so much.

"Naospital po dahil biglang nagkasakit ang ulo niya, pagdating sa ospital ay severe na." Sabi ko.

"Posible din siyang macomatose." Dagdag ko.

"Jusko! Sana maayos din ang kalagayan ni Lei." Sabi ni mommy habang takip-bibig.

Nakita kong tumayo sa daddy at lumapit sa'kin ng seryoso. Alam kong nag-aalala din siya pero itinago lang niya iyon sa pagiging seryoso. I know he's mad at me because I was not at home yesterday instead I was taking care of Lei.

"Son, where have you been? I thought you went home yesterday but when I open your room, your not there." Sabi niya. Still mad.

"Nakitulog lang po ako sa bahay ni Tito Rei, dad." Sabi ko.

"I am worried about you pero nandito ka na kaya hindi ko na kailangan pang mag-alala." Sabi ni daddy at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.

Pagkatapos ng yakapan namin ay nagsalita ako.

"Ah, dad. Pwede po bang hindi muna ako pupunta sa school bukas o di kaya'y sa susunod na mga araw? Kailangan ko pa kasing aalagaan si Lei eh." Sabi ko kaya tumango naman si dad. Napangiti ako ng dahil dun. At tsaka bumaling ako kay mom at nagsalita.

Decided | ✓Where stories live. Discover now