Completed | Raw/Unedited
She said she's still confused of what was happening around her... but little did she knew, she's been sacrificing and suffering from her disorder and even though she's sassy and bitchy, there's always been a part of her that...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chapter 36: Weird Feeling
Lei's Point of View
▪︎K▪︎I▪︎N▪︎A▪︎B▪︎U▪︎K▪︎A▪︎S▪︎A▪︎N▪︎
Hanggang sa magising ako ay hindi pa din mawala sa isip ko ang pag-amin ni Clarky sa nararamdaman niya para sa'kin. I didn't really expect that he likes me, more than a friend.
Nung natapos na siyang magsabi sa kanyang nararamdaman para sa'kin ay hindi na nawala ang mabilis na tibok ng puso ko at ang kakaibang pakiramdam nararamdaman ko.
"Aber!"
"Ay, aber! Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?!" Inis kong tanong sa sumigaw sa'kin. Eh, siyempre sino pa ba? Edi yung magaling kong kaibigan, none other than Rosea!
"At ikaw pa talaga ang may ganang mainis samantalang kanina pa ako dito naghihintay sa reaksyon mo sa mga sinasabi ko, only to find out that you are not listening to me... ATTENTIVELY?" Napairap siya pagkatapos ng kanyang sinabi.
"Ay, sorry pala ha? Ano ba ang dapat kong gawin para mabawasan ang inis mo sa'kin dahil sa hindi ako nakinig sayo ng maayos sa mga sinasabi mo?" Naroon ang sarkasmo sa boses ko.
"Ang dapat mong gawin ay wag kang lutang, gurl! Pangalawa, ipagpaliban mo na muna ang iniisip mo ngayon, ok? At huli ay dapat makinig ka talaga ng maayos sa'kin dahil kung hindi ay hindi tlaaga ako magdadalwang-isip na banatan ka kahit pasyente ka pa." Sabi niya sa'kin kaya napatawa ako ng bahagya.
"Ano ba ang nangyayari sa inyo? Puro kayo tawa, eh wala namang nakakatawa sa mga pinagsasabi ko, mga mukha kayong abno! Ako naman dito, nagtataka sa inyo!" Pikon na sabi niya kaya itinikom ko ang aking bibig para mapigilan na naman ang tawa ko.
So, pikon siya kapag may tumatawa ng hindi niya alam? Ang weird niya, bakit ko ba naging kaibigan ito? Oh, well nevermind, parehas din naman kami, mga abnormal!
"Okay, hindi na. Funny?" Tanong ko habang pinipigilan na namang tumawa.
"Makinig kang mabuti, ha?" Sabi niya at binigyan muna ako ng matalim na tingin bago nagsalita pagkatapos kong tumango.
***
"Rosea, bakit wala pa dito sina daddy at mommy?" Tanong ko.
"Padating na 'yon." Sagot niya kaya napatango na lang ako.
"Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko uli.
"Ay, hindi mo ba ako gustong makasama ng matagal? Akala ko pa naman bestfriends tayo?" Nagtatampo kunwari niyang tanong kaya kinurot ko siya sa pisngi kaya napaaray siya.
"Tinatanong ko lang naman, at anong sinasabi mo na hindi tayo magbestfriends dahil akala mo lang, siyempre naman bestfriends pa rin tayo." Sabi ko at saka napairap.