Chapter 43

29 19 15
                                        

Chapter 43: Patunayan ng Nararamdaman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 43: Patunayan ng Nararamdaman

Lei's Point of View

"Lei, can I court you?"

Yung tanong na 'yon ang hindi ko inaasahang itatanong niya sa'kin.

Bakit naman niya ako liligawin? Gusto ba niya ako o trip niya lang? Haysst! Nakakabaliw mag-isip nang ganito. Wala akong experience.

"A-Are you joking r-right now?" Hindi ko mapigilang mag-utal habang tinanong ko iyon sa kanya. Hindi pa rin kasi nagsisink-in sa utak ko ang tanong niya kanina eh. At tsaka kinakabahan ako.

"Lei..." aniya at saka humarap sa'kin at hinawakan ang kamay ko dahilan para parang merong kuryenteng dumaloy sa ugat sa kamay ko sa paghawak niya sa kamay ko. And I don't know what am I feeling like this but it's actually making me happy.

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako? No, I'm true to my words, Lei. Gusto kitang ligawan kasi...." bumuga siya ng hininga at nagpatuloy. "....kasi  gusto kita, Lei." Sabi niya and it makes my heart beat so darn fast and the weird feeling that I felt earlier on him.

Gusto ko din ba siya?

Nakapasimpleng tanong pero napakahirap sagutin lalo na't ang sarili mo naman ang nagtatanong.

"G-Gusto mo... a-ako? T-Tama ba ang pagkakarinig ko m-mula sayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko o mas tamang sabihing bulalas ko.

Hindi ba ako mali sa pagkakakrinig man lang? Guni-guni ko lang ba 'yon o hindi?

"Yes, Lei. I like you kaya nga ginagawa ko 'to ngayon eh. And I want to court you that's why I want a permission from you." Aniya at mas lalong hinawakan ang kamay ko.

Papaniwalaan ko ba siya o hindi? Napatawad ko naman siya pero hindi pa ako medyo handa sa mga ganito kasi wala pa akong experience. And actually, first time ko pa 'to.

Pero wala namang mawawala sa'kin diba kung papayagan ko siyang manligaw sa'kin? Katulad na lang kay Clarky, kahit ipinagpabukas ko ang pagsagot sa pagtanong niya ng pareho lang sa tanong ngayon ni Kiel, wala din namang nawawala sa'kin.

"So, ano? Pwede namang ipagpabukas mo na lang ang magiging sagot mo, I can wait basta pag-iisipan mong mabuti. And Lei, promise that I will not gonna hurt you." Sabi niya kaya wala sa sarili akong napangiti.

"No! I mean no, it's okay. Umm, pwede kang... uh, manligaw sa'kin?" Hindi yun statement kundi patanong ko iyong sinabi.

Nagugulat at nagliwanag ang mukha na Kiel na para bang hindi siya makapaniwala sa naging sagot ko.

At hindi ko namalayan na niyakap niya na pala ako. Ang bilis ng pangyayari. At wala sa sarili akong naging ganito kung ngumiti. Parang nagflaflatter ang puso ko dahil sa saya at kilig na naramdaman ko mula sa yakap niya.

Decided | ✓Where stories live. Discover now