Completed | Raw/Unedited
She said she's still confused of what was happening around her... but little did she knew, she's been sacrificing and suffering from her disorder and even though she's sassy and bitchy, there's always been a part of her that...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chapter 1: First Meet
Lei's Point of View
Unang araw ito ng pasok hindi man lang ako na excite ng todo. Alam ko kasing hindi ako maihahatid nila mommy at daddy kasi pareho silang may lakad. Palagi ko lang kasama ang bestfriend kong si Roseanne. Pareho kaming mga only child. Close na close kami since second year highschool pa lang. Siya palagi ang nakakasama ko tuwing may activities sa school. Even my birthdays, siya lang ang kasama ko... para ko na siyang kapatid. Pero mukhang hindi ko siya makakasama ngayon kasi nauna na siya do'n. Hihintayin niya lang daw ako.
Nandito na ako sa Valzon Academy. Pagmamay-ari ito ng aking pamilya. Pero hindi ako popular dito. Bashers/haters lang meron ako dito sa school. Ang daming manlalait. Hinahabaan ko lang ang pasensya ko for my own good at para na rin sa image ng aking pamilya.
Naglalakad na ako papunta sa classroom ko ng may tumulak sa akin pero may nakasalo sakin na hindi ko kilala. Sinong tumulaksakin? Hindi ko nakita kung sino. Peste! Paglingon ko sa likod... Ang gwapo niya...
"A-Ah hehe... salamat," nahihiyang tugon ko. Ngumiti siya sakin. Inilahad niya ang kanyang kamay upang alalayan ako patayo. Wait. Bakit kinakabahan ako?
"No problem... I'm Wayne Clark... Vallejo. Wayne Clark Vallejo, and you are?" Tanong niya sakin. Bakit parang naiilangako? Napatitig ako sa kanya... Ang ganda ngmga mata niya...
"Leiane Ashtine Dizon, Lei for short," pagpapakilala ko sa kanya. Ngumiti na naman siya. Bakit ba ako nagkakaganito?
"Nice to meet you," sambit niya at tsaka lumakad papalayo.
Pumunta na ako sa room namin at nakita ko naman agad si Rosea. Laking gulat ko namang tinignan ang likod ni Rosea. Kaklase ko siya? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hinay hinay akong naglakad patungo sa upuan na nireserba ni Rosea para sakin. Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko! Anobang nangyayari sa 'kin? Hindi ko maintindihan!
Hindi ko na napansin ang lahat ng nandito sa classroom kasi kinakabahan nga ako dahil nandyan 'yung taong sumalo sakin kanina. Bakit ba kasi ako bigla nagkaganito?
"Lei?... Hoy, Lei?!" Sigaw ni Rosea. Hindi ko nga talaga alam kong bakit nagkaganito ako!
"H-Ha? Ano 'yun Rosea?" Sabi ko sa kanya. Kumunot 'yung noo niya.
"Bakit ang tahimik mo? At tsaka bakit ka pinagpawisan nasa tapat tayo ng hangin oh," sabi niya habang nakaturo sa ceiling fan.
"Ah Rosea, may sasabihin ako sayo mamaya after class ha," sabi ko, tumango naman siya.
Lutang talaga ang isip ko buong klase. First daw pa namanito ng school. Palagi ko kasing naiisip kung anong meron sa buwisit na lalaking yon kanina! Biglanalang akong kinabahan at tsaka nailangpa talaga ako?! My goodness? Bumalik lang ako sa reyalidad ng biglang sumigaw si Rosea.