Chapter 42: Lei, Can I Court You?Kiel's Point of View
Buong klase ay bored ako at palaging nakadukdok pero nakikinig naman ako sa dinidiscuss ni Cher habang nakadukdok ako.
Pagkatapos ay tumunog na ang bell kaya madaming nagsigawan.
"Yes! Makakalabas na tayo, nagugutom na ako!"
"Oo nga, mabuti na lang at tumunog na yung bell!"
"Punta na tayong cafeteria!"
Yun lang naman ang mga sigawan ng mga kaklase ko kaya napaismid ako, parang mga isip-bata kung makasigaw. Mga matakaw din.
Nakadukdok pa rin ako hanggang ngayon habang nakikinig sa mga nonsense na mga sinasabi ng mga kaklase ko.
Nakaramdam naman ako ng katahimikan kaya umangat na ako ng tingin at napagtanto kong ako na lang pala ang tao dito. So ibig sabihin nito, umalis na si Clark at mga kasama niya kaya napangiti ako dahil magsisimula na ang plano ni Keiz.
Tumayo ako at nagsimulang naglakad papalayo. I just kept my bag on the room para hindi makahalata sila Clark na wala na ako dito.
Nakapamulsa akong naglakad at tuloy-tuloy lang na naglakad straight. Ang cafeteria kasi ay kailangan mo pang lumiko at bumaba pero hindi ako pumunta doon at saka hindi pa naman ako gutom kaya free akong nakalabas.
Pagdating ko sa gate ay nagsalita si manong guard. Isa din itong makakasira sa plano namin eh. Tsk.
"Ah, Sir Vallejo, lunch time na po ngayon bakit kayo nandito? Nandoon naman po ang cafeteria eh. At tsaka pinagbabawalan pong lumabas ng ganitong oras kahit pa lunch time na." Ani manong guard kaya napaismid ako.
"Manong guard, wala akong pakialam kung pinagbabawalan kaming lumabas at saka pupunta lang ako ng ospital. Ang lapit nga ng ospital eh." Sabi ko.
"Pero, kahit na sir." Pagpipilit ni manong guard.
"I will gonna tell my Mom that you'll be fired if you don't get into my way." I seriously said, nauubusan ng pasensiya.
Mukhang natakot naman si manong guard kaya tumabi siya kaya napangisi ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Takot ka naman pala eh, bakit harang-harang ka pa? Tch, naturingang guard, matatakot naman pala.
Pumasok ako sa kotse ko at nagsimulang pinaandar iyon.
Hindi pa ako papunta patungo sa ospital dahil naghahanap ako ng maliit na bouquet ng bulaklak at tsaka mga prutas. Alam ko namang magugustuhan ni Lei 'to kaya worth it ang pagbayad ko ng ganito. Baka nga mas mataas pa sa worth it ang ginagawa ko dahil baka papatawarin na niya ako... ngayon. Sigurado akong masaya si Keiz nito kapag nalaman niya na pinatawad na ako ni Lei. Ganun din ako, wala akong kahit bahid na pagsisisi sa ginawa ko dahil ang pokus ko ay para kay Keiz. Mahal ko si Keiz kaya susuportahan ko siya sa kahit na anong gawin niya, mapaplano o mapaangkin niya ang pinsan ko.
YOU ARE READING
Decided | ✓
RomanceCompleted | Raw/Unedited She said she's still confused of what was happening around her... but little did she knew, she's been sacrificing and suffering from her disorder and even though she's sassy and bitchy, there's always been a part of her that...