Chapter 41

35 19 12
                                    

Chapter 41: Forgiven

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 41: Forgiven

Lei's Point of View

Habang naglalakad kami ay bigla na lang akong nakaramdam ng hilo at muntik ng bumagsak, mabuti na lang at naaalalayan na ako ni Kiel bago pa ako bumagsak.

"Salamat." Tanging sabi ko.

"Welcome." Sabi niya at inakay niya ako hanggang sa nasa tapat kami para makaakyat patungong rooftop.

Ang haba ng hagdanan kaya talagang mahihirapan kaming akyatin ito lalo pa't nakaalalay sa'kin si Kiel, mabigat pa naman ako baka hindi niya kayanin yung katawan ko.

"Ahh, Kiel, okay na ako, wag mo na lang akong aalalayan, kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko. Baka makonsensya ako sayo dahil talagang mabigat ako.

"Sigurado ka ba? Pwede naman kitang ipiggyback na lang para hindi ka mahirapan. Baka bumalik ang hilo mo." Sabi niya.

"Oo, kaya ko lang ang sarili ko." Sabi ko.

"O-Okay, sige. Basta ikaw muna ang umuna at susunod lang ako sayo baka bumagsak ka na naman. I will make sure that you are safe." Aniya kaya tumango ako at sinimulan nang humakbang at hinawakan ang para mahawakan sa gilid ng hagdan. At tuloy-tuloy na ako sa paghakbang.

Mayamaya lang ay parang may sumakal sa leeg ko kahit wala naman. Hinhingal na ako, hindi ko na kaya!

Narinig ko naman ang patakbong papalapit sa'kin na si Kiel at madali akong inalalayan.

"Sabi ko naman kasi sayong ipiggyback na lang kita. Tingnan mo nga ang sarili mo ngayon, mukha ka nang malalagutan ng hininga. Wag ka nang matigas ang ulo at hayaan mo na lang akong ipiggyback kita." Sabi niya kaya tumango na lang ako ng nag-aalinlangan.

Pumunta siya sa harapan at yumuko para magpantay kaya ang ginawa ko ay lumapit ako sa kanya at kumapit sa kanyang leeg ng medyo para hindi siya masakal at hinawakan niya ang magkabilang likod sa tuhod ko at nagsimula nang humakbang paakyat.

Ang bigat-bigat ko!

Mayamaya lang ay narating na namin ang pinto para sa rooftop. Bumitaw na ako sa pagkapiggyback sa kanya at pinasalmatan siya. Tumango siya at nakita ko pang may namumuong pawis sa kanyang noo. Nahihirapan siya! Naguilty tuloy ako bigla. Bakit ba ang dali ko nang mapagod?

"Sorry dahil ang bigat ko. Nahihirapan ka pang bumuhat sa'kin." Paumanhin ko pero tanging iling lang siya.

"Don't say sorry. Ako naman ang may gusto na magpapiggyback eh. At wag kang maguilty dahil sa sarili ko din naguilty din ako dahil sa pinaakyat kita paparito sa rooftop." Sabi niya.

"Wag ka ding maguilty dahil sigurado naman akong worth it din naman ang pagod at hirap mo." Nakangiting sabi ko.

"Salamat," sabi niya kaya natigilan ako at ipinagtaka ang sinabi niya.

Decided | ✓Where stories live. Discover now