Completed | Raw/Unedited
She said she's still confused of what was happening around her... but little did she knew, she's been sacrificing and suffering from her disorder and even though she's sassy and bitchy, there's always been a part of her that...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chapter 6: The Plan
Kiel's Point of View
Ang saya ko ngayong araw. Pinagplanuhan kasi ni Keiz kung paano niya mapapabagsak si Lei at maangkin niya 'yung pinsan ko. At sabi niya na ako ang taong makakatulong sa kanya sa pagbagsak ni Lei. Plano niya na painlove-in ko si Lei. Siyempre masaya naman ako kay Keiz. Crush ko siya... Natotorpe lang talaga ako. Nagselos ako nung una niyang sinabi na meron siyang gusto kay Clark, pero ngayon hindi na kasi hindi naman kami itinadhana ni Keiz at maging masaya nalang ako para sa kanya.
Klase namin ngayon, mukhang biyernes na bukas.... naligo muna ako, nagtoothbrush, nagdamit at pagkatapos ay bumaba na ako para kumain.
Mukhang walang katao-tao dito, wala kasi sila daddy at mommy, palaging busy sa trabaho at hindi nila alam na meron silang anak na naghihintay sa kanilang paglapit sa kanya. Ako nalang mag-isa sa hapag-kainan ngayon. Buti nalang at dumating si Yaya Lisa para pagdalhan ako ng gatas na maiinom.
"Yaya Lisa, hali na po kayo, sabayin mo akong kumain dito," nakangiting saad ko kay yaya.
"'Wag na hijo, may kailangan pa kasi akong gagawin ngayon. Sa susunod nalang, ha?" Tanggi kaagad ni yaya.
"Sige nalang po. Hindi ko naman kayo mapipilit, eh," sabi ko, pilit na lang akong ngumiti.
Umalis din naman kaagad si Yaya Lisa. Katahimikan na naman ang nangingibabaw. Hay, kaumay naman.
Pagkatapos kung kumain ay papunta na ako sa eskwelahan namin. Tinawagan ko si Clark kung pwede ba siyang makausap saglit.... Pero hindi naman sinasagot ni Clark yung tawag ko. Tch...
Pagdating ko sa school ay ipinark ko muna 'yung kotse ko at pagkatapos ay pumasok na ako.
Nagtitilian ang mga babae sa 'kin, kasi daw sabi nila gwapo daw ako. Hindi ko lang naman sila pinapansin kasi hindi naman sila ang pakay ko. 'Yung pakay ko ay si Lei. Hehe...
Pagkapasok ko palang sa room ay nadatnan ko sila Lei, Clark at mga kaibigan nila na nag-uusap. Siyempre ako lang dire-diretso lang ako sa paglalakad at umupo sa tabi ni Lei. Wala akong planong makipag-usap sa kanila. Ang ingay nga naman nila. Tss...
"Oy, nandyan na pala si Kiel. Hindi ko napansin ang pagdating mo," saad ng kaibigan ni Lei.
"Bro, kamusta?" Ani Clark nang lingunin niya ako.
"Ayos naman, Clark. Tinawagan kita kanina nung nagmaneho pa ako pero hindi mo naman sinasagot," bored na sabi ko.
"Sorry, bro. Naka-off kasi 'yung phone ko eh," sabi niya sa 'kin.
"Tss,"'yun na lang ang nasabi ko.
"Pakilala naman kami sa pinsan mo, Clark," nakangiting sabi nang kaibigan nila.