Completed | Raw/Unedited
She said she's still confused of what was happening around her... but little did she knew, she's been sacrificing and suffering from her disorder and even though she's sassy and bitchy, there's always been a part of her that...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chapter 39: Kiel's Coming
Clark's Point of View
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon sa isinabi ni Lei kanina. At hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove-on. Pumapayag siyang manligaw ako sa kanya! Yes! At last nakamit ko na ang dapat kong makamit simula pa noon!
"Thank you talaga for accepting as your suitor." nakangiti kong sabi.
"Ano ka ba? Kanina ka pa thank you ng thank you, nakakasawa na ring sabi ako ng sabi ng your welcome o welcome." Sabi niya kaya napakamot ako ng ulo habang nakapout.
"Ang cute mo kapag ganyan ka." Sabi niya habang nakaturo sa nakapout kong mukha.
"Talaga? Edi, ganito na lang ako palagi." Sabi ko at pinanatiling nakapout ang mukha ko.
"Sira! Wag ka ngang magbiro dyan. Sige ka, baka ibawi ko 'yung pagpayag ko sayong manligaw sa'kin." Pananakot niya kaa mabilis pa sa alas kuwatro akong napaayos ng upo kyaa ang nangyari muntik na akong matumba, mabuti na lang at nakahawak ako sa kama niya kung hindi ay masasaktan talaga yung pwet ko. At ayun siya, tumatawa dahil sa pagiging clumsy ko.
"Kanina ang cute mo, ngayon naman ang clumsy mo, bakit ba ganyan ka?" natatawa pa ring aniya.
"Wala lang, 'yun lang talaga kasi ako minsan eh." Sabi ko.
Mayamaya lang ay nagsalita siya about sa school. Tinanong niya sa'kin kung ano na ba ang mga nilampasan niyang homeworks, projects, o kung ano pa man. At ang sinagot ko naman ay hindi ko alam dahil hindi na din naman ako pumupunta sa school.
"Huh? Bakit hindi ka na pumupunta ng school? Wala namang nangyari sayong masama, ah. Pero, teka nga.. kaya ka ba hindi pumupunta na sa school ay ng dahil sa'kin?" tanong niya at nagsimula ng magsalubong ang kanyang kilay.
"Actually, yes. At tsaka, nagpaalam ako kay dad nun na hindi muna ako pupunta ng school dahil kailangan pa kitang aalagaan at makasama." Sagot ko habang napapakamot na naman sa batok.
"Eh? Kaya ko naman na yung sarili ko at tsaka hindi naman ako paralisado para alagaan mo ako parati." Sabi niya pero nagmatigas ako.
"Kahit na," pagpipilit ko.
"Baka hindi ka makakagraduate niyan dahil sa pagiging absent mo." Sabi na niya naman.
"Nakapagpaalam na nga ako ni daddy para hindi nila ako mamarkahan na absent." Wika ko.
"Kaya ko nga ang sarili ko, kaya hindi mo na kailangan pang mag-alaga sa'kin. At tsaka nandito naman sila mommy at daddy para alagaan ako eh. You have nothing to worry about me, Clarky. Ako ang dapat mag-aaalala sayo dahil dyan sa pag-aalaga mo sa'kin dito at sa pagiging absent mo parati sa school. At tsaka wala akong makukuha na lessons kapag hindi ka pumasok sa school dahil ikaw ang magsasabi sa'kin kung ano na ba ang mga lessons nung araw na nangyari ang pagsakit ng ulo ko kaya please lang, wag ka nang umabsent ng dahil sa'kin. Sige ka, babawiin ko na talaga na sinagot kita sa panliligaw mo sa'kin." Banta niya sa'kin kaya napabuntong-hininga muna ako bago tumango kaya napangiti siya sa tinugon ko.