Completed | Raw/Unedited
She said she's still confused of what was happening around her... but little did she knew, she's been sacrificing and suffering from her disorder and even though she's sassy and bitchy, there's always been a part of her that...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chapter 51: Kidnap
3rd Person's Point of View
"Lei!!" Sigaw ni Rosea sa papalayong bulto ni Lei na tumatakbo.
Umiyak si Rosea kasabay ng paglingon niya kay Kiel na ngayo'y puno ng pagsisisi ang mga matang nakatingin sa papalayong bulto ni Lei.
Nanlilisik ang mga mata ni Rosea'ng nakatingin kay Kiel na ngayo'y nakatingin din ng malungkot sa kanya. Sinampal niya si Kiel ng buong lakas kaya naman napatagilid ang mukha ni Kiel at hinawakan na naman ang kanya na ngayong mamula-mula ng pisngi dahil sa sampal din ni Lei kanina.
"Hindi mo 'ko matatakot dyan sa pagbabanta ninyo ni Keiz nung sa resto bar! Kung inaakala mo na matatakot mo 'ko sa banta mo, nagkakamali ka! Bestfriend ko 'yung pinagplanuhan niyo at wala akong nagawa nung una! Wag kang mag-alala dahil hindi mo na siya makikita pa!" Sigaw ni Rosea kay Kiel na ngayo'y umiiyak na din.
"Sorry," yun na lang ang nasabi ni Kiel habang tumulo ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Walang magagawa 'yang sorry mo sa pagbabalik ng dati nating lahat na samahan! Magmula ngayon, hindi na kita ituturing na kaibigan!" Umiiyak na sigaw ni Rosea at naglakad na papunta sa pinagcelebrate-an na lugar ng bahay nila Lei.
Sumunod din si Kiel sa kanya para hanapin si Lei dahil kung wala doon si Lei ay talagang tatawagin niya si Keiz dahil sigurado siyang si Keiz ang kumuha kay Lei.
Alam niya ang mga plano ni Keiz tungkol sa pagkidnap ni Lei.
~Flashback~
"Anong kailangan mo, Keiz?" Tanong ni Kiel kay Keiz na ngayo'y nagsimulang tumawa.
"I have a plan on how to get rid of Lei forever." Sabi niya habang nakangising parang baliw.
He knew something's wrong but he have to make sure that it's true to happen.
"And what is it?" Parang kinakabahan niyang tanong. Sana hindi mahalata ni Keiz.
"By kidnapping her and kill her so that Clark will be forever mine! Magkakasama kami ni Clark habang buhay at magkakaroon kami ng masayang pamilya! I can't wait to happen to that day when it comes..." ani Keiz kaya napailing na lang siya ng hindi niya namamalayan kaya nawala ang pag-imahinasyon ni Keiz at tinignan siya ng may nakakalokong ngisi.
"I knew you'd betray me. But I don't care about that as long as Clark will be forever mine! Hahaha!" Malademonyo niyang tawa pagkatapos niyang sabihin 'yon.
"Keiz, please! Stop doing this! Lei is your sister! Don't do anything such so wrong to her! Stop harming and get rid of her! Tanggapin mo na lang na wala kang pag-asa sa pinsan ko... and... I... I love you." Pagkasabi niya nun ay walang pasabi-sabing lumapit sa kanya at inilapit ang kanyang nakaawang na bibig sa kanya ng dahil sa gulat at hinalikan si Keiz ng mariin.