Chapter 4

69 36 38
                                        

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Chapter 4: Mystery Guy

Rosea's Point of View

K I N A B U K A S A N

"Good morning, Rosea," nakangiting sabi ko sa sarili ko.

Pagkatapos kung sinabi 'yun ay naligo na ako at nagtoothbrush, nagbihis at pagkatapos ay bumaba na ako at kumain.

"Anak, bakit maaga ang gising mo?" Nakangiting tanong ni Mommy Seph.

"Uhm, kasi Mom maaga ang klase namin ngayon at kailangan daw ay hindi malelate," sabi ko kay Mommy Seph.

"Okay," tipid na sagot ni Mom habang nakangiti.

"Mom, asan na pala si Dad?" Tanong ko kay Mommy Seph.

"Anak, maagang umalis ang Daddy Renz mo papunta sa trabaho kasi kailangan siya do'n at baka malate siya pagdating niya do'n kung sasabay siya sa 'ting kumain. Tsaka nagbaon naman ang daddy mo ng pagkain para do"n nalang siya kumain," mahabang sagot ni Mom.

"Okay, Mom. Pwede po bang ikaw ang sasabay sakin papunta sa school?" Tanong ko.

"Pwede naman, anak. Basta bilisan mong kumain dyan at baka malate pa ako papunta sa trabaho," sagot ni Mommy Seph.

Pagkatapos namin kumain ay tumakbo ako papunta sa motor ni Mom at sunod naman si Mom na papunta din dito. Nung nakaangkas na ako ay nagstart ng umandar ang motor ni Mom at tsaka papunta na kami sa school. Ahh... Ang sarap ng hangin... Nang biglang pumasok sa isip koang sinabi ni Lei sa 'kin... sa 'min kahapon. Nung may tumulong sa kanyang lalaki pero hindi siya nagpakilala, Sino naman kaya 'yun... Bakit naman niya tinulungan si Lei at tsaka kilala niya ba si Lei? Hmmm...

Hindi ko naman namalayan na nasa school na pala kami ni Mom at biglang tinawag ako ni Mom pero hindi ko siya sinagot.

"Anak, anak, anak... Hoy, bakit nakatulala ka anak at tsaka ano ba 'yang iniisip mo?" Takang tanong ni Mom.

"Ah, 'yung iniisip ko Mom, wala 'yun Mom at nasa isip ko lang naman 'yun... hehe," sagot ko kay Mom. Napailing at napatawa ng bahagya si mom kaya napapahiya akong ngumiti saka niya ako pinat sa ulo.

"Sige, na anak bumaba ka na diyan at pupunta na ako sa trabaho ko, baka malate ako pagdating ko do'n," sabi ni Mom sa 'kin.

Nung wala na si Mom ay saka ako pumunta doon at saka na-isip ko nung sinabi ni Lei na 'yung lalaki na yun ay tumulong sa kanya.

"Hi, Rosea," bati niya sakin.

"Hi, Lei," bati ko rin sa kanya. "Ah, Lei 'yung nasabi mo kahapon na may lalaking tumulong sa 'yo, sino kaya 'yun?" Usisa ko sa kanya.

"'Di ba sabi ko naman sa 'yo kahapon na hindi ko siya kilala at hindi rin siya nagpakilala," 'yon ang sagot niya.

"Okay, sabi mo eh haha," sabi ko. "Tsaka nga pala bakit ikaw lang mag-isa, asan naman sila Nic at Clark?" Takang tanong ko sa kanya.

Decided | ✓Where stories live. Discover now