Chapter 54

38 16 11
                                        

Chapter 54: There's Only One That Must Survive

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Chapter 54: There's Only One That Must Survive

Lei's Point of View

Parang naging slow motion sa pagitan naming dalawa, as in literal sa paligid. Parang nabingi ako.

Hanggang sa unti-unti ng bumabalik sa dati ang kilos at namalayan ko na lang na bumagsak kaming dalawa pareho sa semento at naliligo sa mga sarili naming dugo. Nasa gitna namin ang pinag-aagawan namin kanina na baril.

Napalingon ako habang habol habol ko ang hininga dahil parang nawawalan na ako ng hangin at ang sakit sakit sa parte ng tiyan ko dahil doon ako tinamaan at binalingan ng tingin si Keiz na ngayo'y bumulwak bulwak ng dugo sa bibig at nakangiting tumingin sa'kin, hindi ko alam ng dahil sa ngiting iyon parang wala na akong maramdamang poot at galit sa kanya samantalang kanina ay halos yun na 'yong nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit nahawa ako sa ngiti niya, parang ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya.

Ng may nanginginig na kamay ay dahan-dahang inilapit ni Keiz ang kanyang sarili sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

And for the last time, her smile is not like those smiles I can see in her everyday but this time, her smile is genuine.

"I-I'm s-sorry, L-Lei. R-Regrets a-are a-always i-in t-the e-end, a-alam k-ko 'y-yun k-kaya p-pinags-sisisihan k-ko n-na i-ito. S-Sorry i-is n-not e-enough b-but I-I'm s-sorry a-again f-for a-all t-that I-I h-have d-done t-to y-you. S-Sana p-patawarin m-mo a-ako." Nahihirapan niyang sabi pero umiling ako at ngumiti din sa kanya. A genuine smile too. Merong lumandas na luha sa mata niya kaya nahawa na rin pati ako.

"Pina... pata... wad... na... ki... ta..., K-Keiz." Bagama't nahihirapan man ako iyong sabihin, nakangiti pa rin akong sinabi iyon sa kanya at sinsero.

"L-Lei, k-kung m-mamamatay m-man a-ako n-ngayong a-araw, s-sana b-bantayin m-mo s-si m-mama, h-hindi l-lang p-para s-sa'kin k-kundi p-para s-sayo r-rin." Aniya kaya naman medyo naguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin doon sa huling sinabi niya?

"A-Anong i-ibig m-mong s-sabihin?" Naguguluhan kong tanong, nahihirapan pa rin.

"Anak ko!/Lei!" Bigla na lang lumapit sa'kin ang mga kaibigan ko pati na rin sina mommy at daddy tapos hinawakan ni Clark ang ulo ko at hinawakan nina mommy at daddy yung magkabila kong kamay. Nandoon sa magkabilang gilid sila Nic at Rosea sa'kin.

"Jusko, anak ko! Lumaban ka, anak! Please, lumaban ka!" Umiiyak na sigaw ni mommy sa'kin. Ngayon ko lang nakita na ganito si mommy... ng dahil lang sa'kin.

"R-Rei, we need to take Lei to the hospital, n-now! C-Call an e-emergency, please!" Bumaling si mommy kay daddy na ngayo'y nag-aalala at naiiyak na nakatingin sa'kin pero napabaling ng tingin kay mommy dahil nagsalita siya.

Parang namanhid na yung buo kong katawan at parang gusto ko nang pumikit, nanlalabo na yung mga mata ko at hinihingal na ako, parang kinakapos na ako ng hininga.

Decided | ✓Where stories live. Discover now