Completed | Raw/Unedited
She said she's still confused of what was happening around her... but little did she knew, she's been sacrificing and suffering from her disorder and even though she's sassy and bitchy, there's always been a part of her that...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chapter 55: Korea
Lei's Point of View
5 years later . . .
Nakatapos ako ng college for the past 2 years at isa na akong ganap na flight attendant. Siyempre, proud na proud sa'kin si mommy at daddy pati na din ang mga kaibigan ko. Isa ng ganap na architect si Nic, si Rosea naman ay isa na ding ganap na engineer, habang yung taong palaging nandyan sa tabi ko sa mga nakalipas na apat na taon ay isa ng CEO ng kompanya na pinamana sa kanya ni Tito Walt.
Siyempre, sobrang saya ko dahil nakaabot kami at natupad ang aming mga pangarap. Pero kahit ganun kami kasaya, hindi pa rin namin kayang makalimutan yung nangyari sa'kin noon.
At ang taong naging dahilan kung bakit nandoon ako sa ospital noon at nagsusuffer ng brain tumor ay patay na. Kahit sinasaktan at gumagawa siya ng masamang balak sa'kin, wala naman akong dahilan para hindi siya kayang patawarin at kahit ganun ang trato niya sa'kin noon, hindi ko pa rin maiwasang malungkot.
Alam ko namang nagsisisi na siya sa ginawa niya sa'kin noon na nasa bingit kami ng kamatayan kaya napatawad ko na siya. Hindi masamang magpatawad, ika nga nila.
"Cabin crew prepare for take off." Yun ang sinabi ng piloto kaya naghanda na kami. Yung boses na yun ay tinitiis ko sa mga nakalipas na buwan dahil yung boses na yun ay hindi ko pang kayang marinig sa ngayon dahil kahit ilang taon na yung mga nakalipas, nandun pa rin ang hinanakit sa puso ko. Pero nakamove-on na ako mula sa kanya.
Pagkalipas ng ilang minuto, naramdaman naming pababa na ang eroplano.
"Tine! Gusto mo bangsumama mamaya sa'min papuntang mall? May bibilhin ka, diba?" Tanong ni Shayne sa'kin pagkababa namin sa eroplano. Isa siya sa naging kaibigan ko rin dito na flight attendant. Nandito kasi kami ngayon sa South Korea, sa Seoul at gusto niyang magpapasyal kami together with her other friends. Sino ba naman ako para tumanggi? Eh, dream country ko 'to eh. And may bibilhin din ako.
"Sure," tanging sagot ko habang nakangiti sa kanya.
Lumapit siya sa'kin at inambahan ako ng kurot sa tagiliran pero buti na lang nakailag ako gamit ang maleta ko.
"Ano ka ba naman, wala man lang kasunod na salita? Ang KJ mo naman! Akala ko ba excited ka na dito tayo pupunta kanina?" Nagmamaktol niyang sabi kaya napatawa ako at nagsalita.
"Anong KJ, dun? Atsaka, totoo naman na excited talaga ako kanina pa, sadyang yun lang ang aking sinagot." Natatawa kong sabi.
"Ewan ko sayo. Pagdating natin sa Pinas ay ipakilala mo ako sa mga kaibigan mo, ha? Para na rin meron na akong mga iba pa ding kaibigan bukod sa mga kaibigan kong puro FA at piloto." Aniya at umismid.
"Oh, sige. Basta wag kang mag-iingay ha pagdating natin dun dahil meron akong kaibigang kaugali mo, ang hilig din mag-ingay." Natatawa kong sabi.