Chapter 37

26 20 11
                                        

Chapter 37: Pwedeng Manligaw?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Chapter 37: Pwedeng Manligaw?

Clark's Point of View

Sa makalipas na araw, ang buong iniisip ko ngayon ay si Lei at yung pag-amin ko ng nararamdaman sa kanya.

Nung sinabi niyang papalabasin ako ay nanlumo ako nun. Hindi ko talaga ineexpect na ganun ang sasabihin niya sa'kin. I didn't say that she has the same feelings for me, but I did not expect her to say that to me.

Pero malay mo naman diba na shock lang siya or gusto niya lang muna mag-isip or hindi pa niya nasink-in sa kanyang utak ang ginawa ko pag-amin sa kanya? Aishh! Bahala na nga. Kung hindi niya kayang tanggapin ang ginawa kong pag-amin sa kanya, okay lang sa'kin kahit masakit sa parte ko.

At naisip ko na imposibleng merong magkagusto sa isa sa'ming dalawa dahil close friends kami, or should I mean bestfriends.

Ipinilig ko na lang yung ulo ko dahil sa mga masasama kong iniisip. Hindi dapat ganito ang mga iniisip ko, posible naman diba na magkagusto din siya sa'kin?

Pero pano kung hi-----

"Pre, may ipis!" Sigaw ng pinakamagaling kong kaibigan na walang iba kundi si Nic. Pestee! Nag-iisip ako dito at siya makikiepal sa pag-iisip ko?! Pesteeeeeeeee talagaaaaa!

"Anong ipis sinasabi mo dyan ha? At saka wag kang epal sa mga iniisip ko! Kaya kung pwede ba kung hindi mo gustong makapagbakasyon sa ospital, wag kang makikiepal! Ipis mo mukha mo!" Iritadong sabi ko.

Akala ko tatahimik na siya pero akala ko lang yun pala, dahil ang kurimaw tumatawa ng pagkalakas-lakas! Buang!

(Translation: Baliw!)

At saka nandito kami ngayon sa pamamahay namin. Nandito sa kwarto ko, nag-uusap daw pero eto ako lumalayag ang isip ko. Epal din 'tong kurimaw na 'to.

"Hoy! Manahimik ka nga! Nakakarindi yung tawa mo!" Saway ko sa kanya.

Napatigil naman siya sa pagtawa pero meron namang nanunuksong ngiti ang nakaukit sa mukha niya. Kurimaw nga talaga!

"Ano 'yang iniisip mo, ha?" Tanong niya pero may bahid na tukso.

"Wala, at tsaka pwede ba wag mo 'kong tuksuhin, eh kung ikaw kaya ang tuksuhin ko, magiging masaya ka ba kapag tinukso kita? Diba hindi kaya wag mo 'kong tuksuhin dahil gagawin ko din 'yang ginagawa mo." Banta ko. Wala ako sa mood makipag-asaran dahil ang tanging iniisip ko na ay si Lei.

Kamusta na kaya siya dun sa ospital? O kung nakalabas na ba siya?

"Okiee." Sabi niya at halata namang nagpipigil matawa at manukso sa'kin na naman.

"At bakit ba nakikiepal ka sa mga iniisip ko?" Tanong ko ulit, baka nakalimutan niya yung tanong ko kanina.

Ayoko ng istorbohin ako, pero etong kaibigan kong kurimaw mapapaistorbo naman ako kaya walang choice kundi makisakay na lang kesa naman umabot kami sa puntong magsuntukan.

Decided | ✓Where stories live. Discover now