Chapter 44

39 19 13
                                        

Chapter 44: Making A Scene

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 44: Making A Scene

Clark's Point of View

2 months ago . . .

Pagkatapos naming maglunch sa cafeteria ay nagkuwentuhan pa kami about sa mga lovelife namin.

"Ano nang nangyari sa inyong dalawa?" Tanong ko.

"Eto pa rin, manliligaw pa rin. Nanliligaw pa rin ako nito." Sagot niya at itinuro si Rosea na natatawang kumakagat ng sandwich at saka napailing-iling din. Habang siya naman ay nakanguso na, dahil siguro pinagtatawanan siya ni Rosea.

"So? Ano naman kung nanliligaw ka pa rin?" Tanong ni Rosea pagkatapos kagatin, nguyain, at lunukin ang natitirang sandwich na nasa kamay niya.

"Wala, pero kailan mo ba ako sasagutin, hmm?" Tanong ni Nic pero tanging tawa lang ni Rosea ang naging sagot sa tanong niya.

"Tsk, buti na lang mahal na kita." Pabulong na sabi ni Nic na narinig ko naman pero itong si Rosea ay hindi narinig kaya kumunot ang noo ni Rosea dahil sa pagbulong ni Nic. Na parang may kausap si Nic sa hangin o kaluluwa.

"Anong sinabi mo?" Tanong ni Rosea habang nakakunot noo pa rin hanggang ngayon habang heto naman ako at pinipigilang matawa dahil sa pagkakunot ng noo ni Rosea.

"Wala," sagot ni Nic kaya napasimangot si Rosea dahilan para hindi ko na mapigilang mapatawa.

Tumingin sa'kin si Rosea at binigyan ako ng masamang tingin pero nandoon pa rin ang nakasimangot niyang mukha.

Kaya ang ginawa ni Nic ay kinurot ang kanyang magkabilang pisngi.

"What a cutie." Sabi ni Nic dahilan para mawala ang pagkasimangot ni Rosea at napalitan ng namumulang pisngi. Wews! Ang sweet naman nitong dalawang 'to! Baka hindi ko kaya ang kanilang kasweetan.

"Oh, namumula ka oh!" Para pang natutuwang sabi ni Nic pero alam kung nasayahan siya dahil namumula ang pisngi ng babaeng mahal niya. Ang corny ko naman ng dahil lang sa kanilang dalawa.

"Tse! Oh, ikaw Clark, kamusta naman ang panliligaw mo sa bestfriend ko?" Tanong niya habang hindi pa rin nawawala ang pamumula ng pisngi niya kaya tumingin na rin si Nic sa'kin ng may nakakalokong ngisi.

"Ano nang nangyari sa panliligaw mo, pre? Nabasted ka ba?" Pagkatanong niya sa huling tanong niyang iyon ay tinignan ko siya ng masama. Ang kalokohan talaga nito!

"Hindi ako nabasted! At ayos naman ang panliligaw ko sa kanya. Natutuwa pa nga siya dahil binigyan ko siya ng libro na gusto niya. At yun ang ikinasasaya ko." Sagot ko.

"Mabuti ka pa at binibigyan mo ng kung ano-ano si Lei habang ito namang katabi ko, walang ginagawa, adik sa kiss lang ang ginagawa niya." Sabi ni Rosea at tumingin kay Nic na nakangisi lang na nakatingin din sa kanya.

Decided | ✓Where stories live. Discover now