Chapter 23

30 25 17
                                        

Chapter 23: Confine

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 23: Confine

Clark's Point of View

Hindi namin inaasahan ang sasabihin ng doktor. Akala namin makakahinga kami ng maluwag dahil ang akala namin ay good news ang sasabihin sa'min ng doktor pero.... hindi pala.

"The patient has a brain tumor so me and my assistants are having a difficult time in the operation. But she's now stable and I'm not sure if she will wake up as soon as possible." Sabi nung doktor kaya napasandal ako sa pader habang hawak ko ang kamay sa bibig ko saka tumulo ang luha ko.

"Can I ask?" Tanong ni doc kaya tumango si tito habang nakahawak si tita sa balikat ni tito.

"As what I observed, hindi ito yung unang beses siyang sumakit yung ulo niya, am I right Mr. & Mrs. Dizon and you Mr. Vallejo?" Tanong niya sa'min.

Hindi sumagot si tito kaya ako sumagot.

"Yes, doc. Nangyari yun sa loob ng  school." Sagot ko kaya napatango ang doktor.

"Well, kung sasabihin kung ayos lang ang kalagayan niya, it means na hindi yun ang totoong nangyari ngayon sa kanya. Hindi ayos ang kalagayan niya ngayon. It's possible that it can lead to her a coma. That's all I can say." Sabi ni doc bago siya naglakad palayo.

"Jusko po!" Sabi ni tita.

"Hindi yun totoo, sigurado ako. Pwede natin siyang alagaan, diba yun yung sinabi nang doktor kanina? Pwede pa natin siyang alagaan." Sabi ko kaya tumingin si tita at tito sa'kin saka sila umiling.

"Clark, kung sinabi man yun ng doktor kanina ay para pagaanin ang loob natin para hindi tayo masyadong mag-aalala sa kalagayan ni Lei. Hindi totoo yung sinasabi ng doktor. We can't do anything to make Lei well. Sabi din ng doktor na posibleng macomatose siya... ulit." Sabi ni tito pero umiling din ako at nagsalita.

"Hindi totoo yang sinasabi mo, pwede pa natin mapigilan ang posibleng pagkacomatose niya." Pagpipilit ko pero tanging iling lang sinagot ni tito at tita.

"Kung hindi mo lang sana sinigawan si Lei noon at sinaktan, hindi sana ganito ngayon yung sitwasyon niya. Maalala pa din niya ako na bestfriend niya!" Biglang sigaw ko kaya nagulat sila tito at tita pero binigyan ko ng masamang tingin si tita kaya nagugulat na tumingin sa'kin si tita.

"Clark, matuto kang rumespeto sa nakakatanda sayo!" Saway ni tito pero hindi ko iyon pinansin.

"Respeto? Huh! Renespeto ba niya si Lei noon? Diba hindi kaya hindi ko kailangan rumespeto sa kanya. Matagal ko na 'tong kinikimkim dahil meron pa akong natitirang respeto sayo noon pero ngayon, wala na." Galit na sabi ko kaya tumayo sa tita at lumapit sa'kin at sinampal niya ako.

"Wag mo 'kong pagsabihan ng ganyan dahil hindi mo alam ang buong nangyari noon." Sabi ni tita at tinignan niya ako ng masama.

"Ano naman sa'kin kung hindi ko alam ang buong nangyari noon? Hindi sapat 'yon para saktan mo si Lei ng ganun that leads her to an accident and cause her an amnesia noon." Sabi ko.

Decided | ✓Where stories live. Discover now