Completed | Raw/Unedited
She said she's still confused of what was happening around her... but little did she knew, she's been sacrificing and suffering from her disorder and even though she's sassy and bitchy, there's always been a part of her that...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chapter 9: Texts
Lei's Point of View
K I N A B U K A S A N
Hay... bakit ang ingay, natutulog ako dito ehh. Pinatay ko 'yung alarm clock ko at dahan-dahang bumangon. Napagod ako kahapon sa pagpraktis namin para sa pageant kaya eto ako ngayon puyat at pagod.
Wala kaming klase ngayon dahil Sabado ngayon kaya pwede akong matulog nalang o tumulong kila mom at dad ngayon. Siyempre walang pasok sa trabaho ngayon sila mom at dad dahil nga Sabado ngayon.
Kung hindi ako kailangan ni Mom, siyempre doon ako ni Dad tumulong.
I picked up my phone and click the messages. Nagulat pa nga ako ng malamang madaming texts si Wayne.
Binuksan ko iyon at pinindot ang messages. Sakto namang merong mga texts si Wayne. Ang rami naman...
20 messages from Wayne
From Wayne: Hi Lei, nasa bahay ka na ba?
From Wayne: Kumain ka na ba dyan?
From Wayne: Oy Lei, hindi ka naman rumereply eh
From Wayne: Good night Lei, baka natulog ka na dyan kasi hindi ka naman rumereply sa mga texts ko eh.
From Wayne: Sweet dreams. Bye.
Hindi ko na binasa at tinapos ang pagbasa sa mga iba pang texts ni Waynekasi ang dami dami, hindi ko kayang ubusin lahat, ang tamad ko kaya magbasa ng mga texts.
Nireplyan ko naman siya para wag na siyang magreply ng tanong ulit sa 'kin.
To Wayne: Sorry Wayne kung hindi ako nakapagreply sayo, nakatulog kasi ako eh, napagod ako kahapon sa pagpractice para sa pageant.
Sent.
Inilapag ko na ang phone ko at kumuha ng tuwalya at pumasok sa bathroom. Naligo ako doon, alangan naman hindi, anong gamit sa bathroom ko. Duh.
Pagkatapos kong maligo ay nagtoothbrush ako para mapanatilihing maputi at malinis ang aking mga ngipin.
Lumabas na ako ng bathroom at umupo sa upuan malapit sa salamin at naghair dryer para matuyo ng mabilisang buhok ko.
Pagkatapos kong magpatuyo sa buhok ko ay nagdamit ako ng pambahay, alangan namang damit-pangschool eh kahapon lang naman ang klase namin. Siyempre nagtsinelas ako at lumabas ng kwarto.
Bumaba ako at nadatnan ko sina mom at dad sa kusina. Humigop ng kape si dad habang si mom ay may binabasa sa newspaper. Teka parang may mali, imbes si dad ang dapat magbasa ng newspaper at si mom ay nagkakape, ngayon ay hindi. Tsk. Ang gulo-gulo. Bahala na nga.
Umupo ako sa bakanteng upuan at kumuha ng kanin pagkatapos ay mga pagkain. Mukhang walang gaanong mga pagkain ngayon dito. Simple lang. Pero bahala na, basta meron pa akong makakain dito at hindi ako magugutom.