Completed | Raw/Unedited
She said she's still confused of what was happening around her... but little did she knew, she's been sacrificing and suffering from her disorder and even though she's sassy and bitchy, there's always been a part of her that...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chapter 48: Graduation Day
Lei's Point of View
7 months later . . .
"'Nak, gragraduate ka na ng highschool, and I'm so proud of you because you did a great job! Alam kong madami kang pinagdadaanan as a higgschool student, but here you are now, you're becoming a college student. May napili ka na bang kurso 'nak?" Ani daddy kaya ngumiti ako at tumango.
"Gusto kong kuning kurso ay Tourism, dad." Sagot ko kaya nakangiting nagtanong ulit si daddy sa'kin.
"Why is it so?" Tanong niya.
"Gusto kong maging FA, dad. I want to travel kahit pa nasa plane lang ako and learn many more languages. Especially, gusto kong pumunta ng South Korea dahil gusto kong makita ang mga idols ko. Simula nung highschool student pa ako, pangarap ko talagang pumunta sa South Korea." Nakangiti kong sagot.
"Sa tingin mo dad, makakapasa kaya ako bilang FA?" Dugtong kong tanong kay daddy.
"Oo naman, siyempre. Dahil 'yun naman ang gusto mong maging, diba? Kaya sigurado akong matutupad ang pangarap mo at makakapasa ka. Suportado kita, anak. At ganun kita kamahal." Nakangiti iyong sinabi ni daddy sa'kin kaya walang atubili kong iniyakap si daddy.
"Thanks, dad. You're the best daddy for me." Naiiyak at masaya kong sabi kay daddy.
"No, thank you, my daughter. Your precious to me kaya ko ginagawa lahat para sayo." Ani daddy.
"Daddy, pinapaiyak mo lang naman ako eh." Natatawa kong saad kaya napatawa din si daddy habang nanatili pa rin kaming magkayakap dalawa.
Nandito kami ngayon sa terasa ng bahay namin at bigla na lang tumabi si daddy sa'kin kanina kaya ngayon, napunta kami sa ganito dahil sa gragraduate na ako at nagtatanong siya kung ano ang gusto kong kunin na kurso ko pagkagraduate ko.
***
Graduation Day . . .
Kinakabahan talaga ako sa totoo lang dahil hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko na hindi ako tatawagin sa stage kung meron ba akong award o kahit ano kaya naman I prayed to Him.
As I slowly prayed for Him, nagulat na lang ako hindi dahil lungkot ako, kundi dahil sa saya dahil hindi ko aakalain na tatawagin ako. Ng dahil sa matinding kaba ko, wala akong tiwala sa sarili ko kaya ganun na lang ako kasaya ngayon. Para sa iba, mababaw lang itong saya ko, pero para sa'kin talagang masayang-masaya ako ngayon. OA na kung OA, pero yun talaga ang nararamdaman ko ngayon eh. Huhuu...
"First in the list of honors, with high honor, goes to... Leiane Ashtine Dizon! Congratulations to you! Please come on here on stage! A round of applause please!" Anang emcee at pumalakpak ang mga tao sa paligid habang nakatingin sa'kin ng may paghanga pagkalakad ko papunta ng stage habang hawak-hawak ang toga at certificate na nakalukot sa kamay ko. Muntik ng malaglag ang toga ko dahil ang luwag ng pagkakasuot! Hindi sukat sa ulo ko! Pero tiniis ko na lang.