Pabagsak kong sinara ang pinto ng kwarto pagdating sa bahay at humiga sa kama.
Galit pa talaga ako sa babaeng yun! She called me freak??
Whore??Pasalamat siya may pinag aralan ako kung nagkataon baka napatulan ko siya ng tuluyan!
Akala niya aatrasan ko siya!
Haa!! Akala niya!Narinig kong may kumatok saka pagpihit ng pinto pa bukas! Napatingin ako sa pintuan nakadung-aw si mama.
Sa mama ko nakuha ang kulot kong buhok pero pag ganda ang pag uusapan nahati kina mama at papa.
Napangiti ako!"Dinner is ready!"
"Wala akong gana ma lalabas nalang ako mamaya!"sabi ko
"Tuloy ba kayo bukas ni russel?"tanong nito
Tumango ako! Usapan namin na manonood kami ng sine dahil palabas na ang bumblebee movie!
"Anong oras ang usapan niyo?"tanong ni mama
"Mga hapun ma.. pupuntahan ko nalang siya sa kanila!"sagot ko saka bumangon na
Tawagan mo baka nakalimutan niya ang usapan niyo!"suhesiyon ni mama at lumapit sa akin
"Hindi niya yun nakalimutan ma.. excited nga yun eeh!"nakangiti kong sabi
Marahan itong umupo sa kama at ginanap ang kamay ko. Ngumiti ito!
"Ilang buwan nalang mag graduate kana! Alam kong proud ang papa mo sayo!"nakangiti sambit ni mama
"Ma..wag na nga tayong mag emote!"tssk
Tumawa ito at nagpahid ng luha. Mag iisang taon na mula ng namatay si papa sa car accident kasama ang ama ni russel. Sa kwento ni mama galing ang mga ito sa bulacan nag deal ng business at nakainom na.
Pareho kami ni russel na ang ina lamang namin ang gumagabay sa amin ngayon!
Matalik na magkaibigan si papa at ang papa ni russel kaya pati si mama at ang ina ni russel ay naging magkaibigan din dahil sa mga ama namin.
"I love you anak!"malambing na sabi ni mama at hinalikan ako sa noo.
"Sige na!! Bumaba kalang mamaya huh!"habilin nito at tumayo na dinNapasulyap ako sa picture sa may side table! Kuha yun noong graduation ko sa high school kasama si mama at si papa!
Ang laki pa ng ngiti namin dito! I miss my father!
Napakurap ako saka ngakagat labi! Huminga ako ng malalim saka nag desisyon na pumasok sa banyo para maligo.
**
Napadilat ako ng maramdaman kong may init na dumadapo sa pisngi ko. Paniguradong tirik na ang araw!
Napaunat ako saka bumangon. Sinulyapan ko ang orasan sa side table.
Mag alas onse na. Sarap ng tulog ko!Dumaritso ako sa banyo nag toothbrush at naligo. Sinilip ko ang walk in closet ko. Ano kaya ang susuotin ko?
Nahaplot ko ang isang puting jeans! Napangiti ako sa idea pumapasok sa isip ko kung ano ang suotin ko.Hinanap ko ang medyo fited at maiksing striped blue na blouse. Napangiti ako. Perfect para mamaya! Mamaya ko na ito suotin.
Napansin kong titig na titig si mama sa suot kong roba. Tumikhim ako kaya napatikhim din ito.
Umupo na ako para kumain dahil pakiramdam ko gutom na gutom na!
"Himala ata at nag roba ka ngayon!"puna ni mama
BINABASA MO ANG
Your always mine
RomanceMasarap sa pakiramdam na ang taong bestfriend mo ang siyang maging ka forever mo. Tunghayan ang kwento ni russel at princess kung paano nila nalampasan ang pagiging mag-bestfriend to husband and wife! R-18 Cover is not mine credit to the rightful ow...