Russel pov
Kanina pa ako palakad lakad habang hinihintay si princess na makalabas sa bahay nila. Ilang araw din kaming hindi nagkita at sobrang namiss ko ito.
Napalingon bigla ako ng marinig ko ang pagpihit ng gate at lumabas si princess. Mabilis ko itong nilapitan at niyakap ng mahigpit saka siniil ng halik sa labi.
"I dying to see you!! I missed you!!"bulong ko saka hinalikan ko ulit ito. Naramdaman kong tinulak ako nito!
"Ano maghalikan nalang tayo dito!! Nagugutom na ako marquez!!"painis na sabi nito. Napatawa ako.
"Parati ka na lang gutom pero hindi ka tumangkad!!"pagpikon kong sabi
Natigilan ito at tiningnan ako ng masama.
"Wala talaga date na maganap ngayon pag pikonin mo pa ako!!"inis na sabi nito
Napangiti ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng off shoulder dress na ulay puti at may tabas sa kaliwang side hanggang sa may legs nito ang tabas kaya nakalabas ang maputi at makinis nitong legs. Nakawala ang kulot nitong buhok na mas lalong nagmumukha siyang manika.
"Magpalit ka kaya ng suot!"suhesiyon ko pa
Sumimangot ito at namaywang!
"Ano hindi nalang tayo tutuloy??"inis niyang tanong at nagtaas ng kilay.
"Baka kasi ikaw nalang ang titingnan nila doon baka maagaw ka pa!!"hirit ko pa.
"Ang O.A mo marquez.."inis na sabi nito. Ngumiti ako at hinawakan ito sa kamay saka hinila papunta sa sasakyan ko.
"Wag ka ng mainis diyan mukha ka pa namang manikin ngayon!"papuri ko
Nakita kong ngumiti ito ng palihim at nagkasalubong ang kilay na tumingin sa akin.
"Dami mong sabi nagugutom na ako marquez.."
Tawang tawa akong pinagbuksan ito ng sasakyan. Saka umikot din sa frontseat. Napansin ko ang ilang ulo na nagsilipan sa may bintana. Napailing ako. Alam kong sila tita at bobby yun
Sa isang mamahaling restaurant ko ito dinala gaya ng pinaplano namin ni tita at ni mama. Napangiti ako habang kumakain kami. Panay ang irap din sa akin!
"Kanina ka pa ngiti ng ngiti para kang timang!!"inis na sabi nito habang kumakain kami.
Kinindatan ko ito saka sumubo ng pagkain! Inikot ako nito ng mata. Huminga ako ng malalim. Kinabahan ako sa posibleng sagot niya. Bumuga ako ng hangin kaya napansin niya."May problema ba?"
"Wala naman!!"iling kong sagot.
Pagkatapos naming kumain may nagsisimula ng tumugtog ang band malapit sa counter ng restaurant!
Ito na! Mas lalo akong kinabahan dahil medyo dumami rin ang kumain.
Nagkislapan na ang mga ilang maliliit na iba't ibang klaseng ilaw. Mas lalo akong kinabahan.
Nanlamig ng husto ang kamay ko. Paano nalang ko i basted ako nito.
Kinanta ang kanta nito na marry you ni bruno mars. Mas lalo nadagdagan ang kaba ko!
Nakita ko ang pag ngiti ni princess habang nakatingin sa kumanta habang sumasayaw.
"Mag jingle muna ako!!"ani ko
Tumango lang ito habang nakatingin sa kumanta. Mabilis akong tumayo at lumiko hindi papunta sa cr kundi papunta sa likod ng counter.
BINABASA MO ANG
Your always mine
RomanceMasarap sa pakiramdam na ang taong bestfriend mo ang siyang maging ka forever mo. Tunghayan ang kwento ni russel at princess kung paano nila nalampasan ang pagiging mag-bestfriend to husband and wife! R-18 Cover is not mine credit to the rightful ow...