Ito na ang pov ni russel😊Russel pov
Marahan kong hinilot ang sintido pakiramdam ko parang sumakit ang ulo ko! Damn!! Ilang araw na mula noong hiningi ko sa secretarya ang files na iyon at hindi makikita kita.
Files yun sa mga expenses noong nakaraan na taon!
Damn!! Saan ba nila nilagay yun? Parati ko silang sinasabihan na dapat naka arrange para pag hanapin madali lang makita.
Narinig ko ang pagpihit ng pinto kaya napaangkat ako ng tingin!
Si swetzel ang secretarya ko. Nakatayo lang ito sa labas."Sir hindi pa namin nakikita pasensiya na po!"hinging paumanhin nito
Humugot ako ng hininga saka tumayo.
"Ilang beses ko na kayong sinabihan na dapat naka arrange ang lahat ng files bakit hindi niyo masusunod!"galit kong tanong
Napakagat labi ito at yumuko. Pinalo ko ang aking lamesa. Napaitlag ito sa gulat!
"Wag kayong huminto hanggang hindi niyo mahanap! Ilang araw ko ng hiningi sa inyo yun!"malakas na sabi ko
Napatango ito.
Nang mapansin kong nasa likuran si steven. Halatang nagtataka! Humugot ako ng hininga! Ano naman ang ginagawa niya dito?
"Insan ang aga aga pa umiinit na yang ulo mo!"ani nito at tumingin kay swetzel.
Mas lalo akong na bwisit!!
"Pasensyahan mo na itong amo mo masyadong mainit ang ulo halatang tigang na!"biro nitong sabi sa secretarya ko
Kinuyom ko ang kamao ko! Talagang nagbiro pa ang gago at bastos pa na paraan!
"What are you doing here?? Alam mo bang oras ng trabaho ngayon at wala kang karapatan na sumingit sa usapan namin!!"malakas na sabi ko
Napansin kong namumula na ang tainga ni swetzel. Nakayuko parin ito. Parang poste na nakatayo lang.
"Hinaan mo nga yang boses mo insan malapit lang naman tayo!"sabi nito at bumaling sa secretarya ko.
"Bumalik kana sa mesa mo swetzel ako na ang bahala dito!"Marahang sabi nitoNahihiyang tumango si swetzel at tumalikod na.
Bumuga ako ng hangin! Agad na hinila ni steven ang pinto pasara kaya umupo ako.
Ngumiti itong tumingin sa akin saka kampanteng umupo sa visitor chair. Naniningkit ang mata ko!
"Ano ba ang kailangan mo?"walang gana kong tanong
"Makikape lang naman!"natatawa nitong sabi kaya mabilis kong nadampot ang isang makapal na folder at binato sa kanya
Buti at agad itong napatayo kaya hindi tinamaan. Agad kinuha ang folder na hinagis ko saka umupo ulit.
"Pwede ba corpuz busy ako ngayon kaya wala akong time sa mga ano anong bagay!"inis kong sabi
"Ok... ikaw lang ata ang nakilala kong ikakasal na pero sobrang init ng ulo!!"iling na iling nitong sabi sabay lapag ng folder na binato ko kanina sa kanya.
"Talagang ikaw ang sadya ko dahil gusto kitang yayain mag bar mamayang gabi!! Ilang buwan nalang hindi kana namin makasabay!"ani nito"Busy ako!"ikli kong tugon saka humarap na sa computer ko.
"Nag txt din sa akin si tita nasa kanya daw ang files sa expenses last year baka kasi hinahanap mo!"ani nito
BINABASA MO ANG
Your always mine
RomanceMasarap sa pakiramdam na ang taong bestfriend mo ang siyang maging ka forever mo. Tunghayan ang kwento ni russel at princess kung paano nila nalampasan ang pagiging mag-bestfriend to husband and wife! R-18 Cover is not mine credit to the rightful ow...