Ngingitian ako ni manong guard pagpasok ko sa condominium.
"Hi maam!! Magandang gabi!! Sa wakas po at bumalik na kayo!"nakangiti nitong sabi
Ngingitian ko ito! Pang night shift ata ito kaya nag abot kami.
"Magandang gabi manong!!"
Balik bati ko sa kanya at dumaritso ako sa elevator papunta sa 4thfloor. Mula sa elevator tatlong kwarto saka ang akin kaya lumakad pa ako.
Nakahinga ako ng maluwang saka nag enter ng code. Nang bumukas ito mabilis kong hinubad ang pack bag at basta nalang iniwan sa sahig. Kasunod ang jacket habang naglalakad ako papunta sa kwarto. Lumapit ako sa closet at kinuha ang night gown.
Hindi na ako nag abalang mag ilaw dahil may dim light naman sa bawat sulok ng condo nakalagay. Kahit walang tao sa loob nakailaw pa rin ito at pag sikat ng umaga kusa din itong ma-off automatic.
Kasunod kong hinubad ang suot kong blouse at jeans. Tinanggal ko rin ang suot kong bra saka sinuot ang night gown at humiga sa kama.
"Hmmmp.. na miss ko ang kamang ito!!"
Nakangiti kong sabi habang nakapikit. Bukas ko nalang tawagan si mama para sabihin na nakauwi na ako.
***
Nag inat ako ng masilawan ako ng liwanag. Anong oras na kaya? Bumaba ako sa kama at dumaritso sa banyo para maligo at makatooth na rin!
"It's about money money...."pakanta kanta ko pang sabi habang naliligo. Inabot ko ang toothbrush para makasipilyo na din kasi kagabi pa ako walang sipilyo.
Hindi na ako nag abalang mag suot ng tuwalya kasi ako lang naman isa dito sa condo ko. Dumaritso ako sa sala para kunin ang bag ko ng marinig kong may nabasag.
Mabilis akong napatingin gawi sa kusina at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang bulto ng lalaki na nakatalikod!! Bigla akong tinakasan ng kulay sa mukha.
Shit!! Bakit may lalaki?? Mabilis kong dinampot ang jacket na hinubad ko kagabi para itakip sa hubad kong katawan buti nalang medyo malaki ang jacket na ito at cotton kaya natakip ko talaga pero hanggang sa may hita ko lang hindi man lang umabot sa may tuhod. Isang galaw lang makikita na ang ano ko!
Magnanakaw ba ito??
"Who are you??"pasigaw kong tanong
Paano ba siya nakapasok? Si mama lang naman ang nakaalam sa password ko!
"I'm sorry!!"mahina nitong sabi
Napapikit ako ng mariin sa mata at dumilat.
"Sino ba ang nag bigay permiso sayo na pumasok ka??"galit kong tanong
"Sino ka ba?? Alam mo bang ako ang nagmamay-ari ng condong ito!!inis kong sabiMarahan itong humarap sa akin. Napanganga ako ng makita ko ang mukha ni russel. Nagtakip ako ng bibig! Nakakahiya nakikita niya akong naghubad.
Ngumiti ito pero hindi abot sa mata. Gwapo parin ito hanggang ngayon pero mas lalong naging masculine ang hitsura nito. Mas nadagdagan ata ang kagwapuhan nito! Kahit kailan talaga gwapo naman ito.
"Damn it!! You!!!"duro ko sa kanya at inabot ko ang vase na nakapatong sa maliit na mesa saka hinagis sa kanya.
Mabilis itong umilag. Sa kahaba haba ng panahon sa ganitong paraan pa kami magkikita!
"Mag papaliwanag ako"
"Bastos!! Kailan ka pa dito huh??"inis kong tanong nito at dinampot ulit ang isang pigura katabi sa vase na binato ko.
"Stop stocky!! Your so childish!!"pasigaw nitong sabi sa akin
Mas lalo akong nainis sa pagtawag niya sa akin ng stocky!! Feeling close ang lalaking ito sa pagkaalala ko hindi kami nito ok.
"Wag na wag mo akong matawag na stocky buang ka!!! Sa pagkaalam ko hindi tayo ok!!"inis kong sabi at tinuloy ang pagbato sa kanya sa pigura
Damn!!"mura nito at sinalo ang pigura. Ngumiwi pa ito ng masalo ito saka binaba sa mesa.
"Answer your phone para malaman mo."sabi nito saka ko namalayan na tumutunog ang cellphone ko sa bag"Wag mo akong idaan sa ganyan marquez hindi oobra sa akin ang ganyan!!"inis kong sabi at dinampot ulit ang isang vase sa may entrada ng condo
"Tumigil ka nga stocky... hindi naman kita pinagnanasaan kasi kapatid na ang turing ko sayo!!"asik na sabi nito
Napatawa ako!! Wow na wow!
"Hindi yun ang punto ko marquez... alam mong hindi tayo ok at dito mo pa naisipang mag stay sa condo ko na walang permiso!!"asik ko din nito
Ito pa ata ang galit sa akin dapat ako naman. Lakas ng fighting spirit nito. Pero teka kapatid lang talaga ang turing niya sa akin! Sakit naman umaasa pa naman ako. Shit shit shit!!
Tuloy tuloy pa rin ang pagtunog ng cellphone ko kaya dinampot ko ang bag sa sahig at kinuha sa loob ang cellphone. Si mama tumawag.
"Ma—
"Nakauwi ka na pala pasensiya na at hindi na kita tinawag tungkol sa pagstay ni russel sa condo mo!!"ani mama
"Nagkita na ba kayo ni russel?"tanong nitoNapakagat labi ako! Sobra pa ata sa pagkikita ang naganap kagabi pa, naalala ko tuloy ang ginawa ko kagabi. Shit!! Ibig sabihin nakita din niya ako kagabi at ngayon pa ako nahiya.
"Bakit nandito siya sa condo ko??"
"Gustong mapag-isa ni russel kaya nag suggest ako na sa condo mo muna!"
"Bakit dito pa?? Marami namang hotel dito!"inis kong sabi
"Gusto ko lang...bakit ba galit ka?? Akala ko ba matalik kayong magkaibigan!"pagtaas boses ni mama
"Ma-afford naman niya sigurong mag hotel!!"lakas kong sabi para marinig din ni russel. Nakatalikod ito sa akin halatang nagluluto. Iwan ko ba kung ano ang niluto nito pero paniguradong ulam ito dahil naamoy ko.
"Mag usap kayo ni russel!!"ani mama at pinatayan ako ng tawag.
"Ggrrrr..."inis kong sabi sabay padyak sa paa.
Tinitigan ko ang likuran niya saka nag disesyon na bumalik sa kwarto para magbihis.
Halos lumabas na ang puso ko sa kaba kanina pa!! Hindi ko napaghandaan na magkita kami agad at sa ganitong sitwasyon! Lumunok ako at pumikit ng mariin!!
Shit!! Mas lalo atang gumagwapo ang lalaking yun!! Gusto ko sana siyang yakapin kanina ng mahigpit pero nagpipigil ako dahil ayaw ko!! Ayaw ko!!
Nakakahiya talagang humarap sa kanya!!
••••
Don't forget to vote, comment!!
Lovelots 😘
BINABASA MO ANG
Your always mine
RomanceMasarap sa pakiramdam na ang taong bestfriend mo ang siyang maging ka forever mo. Tunghayan ang kwento ni russel at princess kung paano nila nalampasan ang pagiging mag-bestfriend to husband and wife! R-18 Cover is not mine credit to the rightful ow...