Suminghot na ito kaya nag alala na ako. Nakayuko ang ulo nito."Si janice ang isang babae na mahal na mahal ko!! Binigay ko lahat, inunawa ko siya pero hindi pala sapat ang lahat! Yung nakikita mong malapitin ako ng babae at harutan ko ng babae just for friend ko lang yun dahil ganoon ako!! Ganoon ako eeh!!"turo nito sa sarili at nagpahid ng luha. Tumango tango ako at pinagod ko ang kanyang likod para kumalma ito.
"Magkaayos din kayo!"sabi ko
Umiiling iling ito!
"Nakita kong may kasama siyang iba noong nakaraan! Kanina na confirm ko dahil plano ko siyang isama dito pero nakita ng mata ko!! Dalawang mata ko !! Naghalikan sila sa mismong labas ng bahay nila!!"galit na sabi nito at sa bawat bigkas nito mag diin.
Napakurap ako at nagtaas ng mukha. Parang naiiyak na din ako. Kanina lang ang lapad ng ngiti nito pero sa ngiti pala na iyon may tinatagong sakit.
Suminghot ito at nagpunas ng luha. Napatawa ito at nag angkat ng mukha. Namumula ang mata ito at ilong.
Ngumiti ito pero hindi abot hanggang mata.
"Ang drama ko! Kanina lang ang saya saya ko ahaha.."natatawang sabi nito
Hinampas ko ito sa balikat saka nag pahid ako ng luha.
"Naks!! Naki-join!"biro nitong sabi
Hinampas ko ito ulit buti at nasalo niya ang kamay ko. Ginanap niya ito.
"Salamat sa pakikinig princess ko!"seryoso nitong sabi
Napatango ako.
"Pwede na ba akong tumayo!"sabi ko
Umiiling iling ito. Hinampas ko ito saka dinilatan.
"Naiihi ako!"inis kong sabi kanina ko pa ito naramdaman
"Oh!!! Sorry!!"sabi nito at mabilis akong binigay ng space para makadaan.
"5 minutes."sabi nitoHindi ko pinansin ang sinabi niya. Agad akong umikot sa may swimming pool dahil doon malapit ang banyo.
Napansin kong nakasara ang isang banyo. Ang isa naman ay nakabukas ng bahagya. Mabilis ko itong pinihit pa bukas pero hindi ko pa masyadong nabuksan nakita ko sa may salamin si annika may ginawang milagro sa banyo.
Nagugulo ang buhok nito habang nakapikit paharap sa salamin at alam kong wala na itong suot dahil nakikita ko talaga. She's having a sex! Pinilit kong tiningnan ang mukha ng lalaki pero hindi ko makita dahil nakayuko ito sa likuran ni annika.Bumilis ang tibok ng puso ko!! Napalunok ako at marahang hinila pasara ang pinto. Ayaw ko ng umihi dahil nawala bigla!
Marahan akong humawak sa ulo ko. Hindi ko akalaing ganoon si russel!! Akala ko pa naman iba siya.
Mabili akong bumalik sa mesa ko. Wala na doon si steven! Inikot ko ang aking paningin! Hindi ko mahagilap. Huminga ako ng malalim!! Ang bilis ng tibok ng puso ko!!
"Princess!"sambit nito ng kung sino at hinawakan ako braso ko
Napatingin ako. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si russel! Namumula ang pisngi nito halatang nakainom na! Tapos na silang gumawa ng milagro!! Ang bilis namAn ata!
BINABASA MO ANG
Your always mine
RomanceMasarap sa pakiramdam na ang taong bestfriend mo ang siyang maging ka forever mo. Tunghayan ang kwento ni russel at princess kung paano nila nalampasan ang pagiging mag-bestfriend to husband and wife! R-18 Cover is not mine credit to the rightful ow...