Part 42

12 3 0
                                    

Princess pov

Pakiramdam ko hilong hilo ako kaya pumikit ako pansamantala! Samantala ang dalawa parang wala lang.

"Are you ok??"pabulong na tanong ni jean

"A bit!!"ungol kong tugon

"Nahihilo ba siya??"narinig kong tanong grace

"Kunti!!"sagot ni jean

"Give me your phone!!"narinig kong sabi ni grace

"Aanhin mo??"narinig ko ang takang tanong ni jean.

Napangiti ako at dumilat.

"Nasa bag ko !!"tugon ko  saka pumikit ulit!

"Kaya mo pa ba?? Ihahatid ka—aaw!! Bakit mo ako sinapak??"narinig ko ang inis na tanong ni jean kay grace

Napangiti ako habang nakapikit!! Pakiramdam ko din  parang gustong bumaliktad ang sikmura ko. Ayaw kong magsuka kaya iidlip ko nalang!!

Namalayan ko parang nakahiga ako sa  malambot na bagay. Naamoy ko rin ang bagong luto ng caldereta. Bigla atang nagising ang diwa ko at mabilis na napabangon! Shit!! Paano ako nakauwi?? Napahawak ako sa akin noo at pilit na inaalala ang nangyari!

"Ang likot mong matulog kulot!!"inis na ungol ng katabi ko

Parang biglang lumaki ang ulo ko ng marinig ko ang boses. Bakit may katabi ako? Mabilis kong sinilip ang aking sarili sa ilalim ng comporter at laking gulat ko na nakabihis na ako ng pangtulog. Shit!!

Mabilis kong sinipa ang katabi ko kaya nahulog ito sa sahig. Napamura ito at mabilis na bumangon!

"An0 bang problema mo kulot??"inis na tanong nito saka ko nalaman na si russel ito. Napanganga ako! Bakit mas lalo ata itong gumagwapo. Shit!!

"Ikaw?? Paano ako napunta dito at katabi pa kita?? Ikaw ba ang nagbihis sa akin??"halos pasigaw kong tanong nito para matakpan ang hiya

"Pwede ba hinaan mo yang boses mo napakaaga pa para magsisigaw!!"inis pa rin nitong sabi
"Tinawagan ako ng kaibigan mo at sinabing susunduin kita sa downtown dahil lasing ka...wag kang  mag alala si mama ang nagbihis sayo kagabi at pasensiya na huh dito kita pinatulog sa kwarto ko dahil nasa kabilang kwarto lang naman si stella!!"

"Stella?? Bakit siya nandito—? Aaahh.."saka nag sink in ang sinabi ni jean at grace sa akin kagabi na buntis ito. Tumango ako.
"Congratulation sa wakas may anak kana!!"

Tumawa ito at nagbukas ng curtina.

"Ganoon talaga!!"sang ayon din nito

Napakagat ko ang loob ng pisngi.

"Maligo ka na para makababa...sa baba na ako maligo!!"ani nito at lumabas na sa kwarto.

Napangiti ako. Infairness ilang araw ko lang itong hindi nakita mas lalo ata itong gumagwapo.
Agad akong tumayo para maligo para makababa na dahil parang nagugutom na ako.

Saktong paglabas ko sa kwarto ay siyang paglabas ni stella sa kabilang kwarto. Nakasuot lang ito ng simpleng cotton blouse na puti at short na puti. Nanlaki ang mata nito pagkakita sa akin!

"You!!! Anong ginawang mo sa kwarto ni russel??"inis na tanong nito

"Ah...nakiki—naputol ang iba ko pang sasabihin ng tinabig ako nito bigla at pumasok sa kwarto. Napasobsob ako sa pinto.
"Argh...ano ba?"inis kong asik nito

"Paalala ko lang sayo bartolome akin na si russel...mag kakaanak na nga kami!!"diin sa sabi nito ng bumaling sa akin

Napangiti ako ng ubod tamis saka nagtaas kilay!

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon