Princess povNapangiti ako habang tinitingnan ang katatapos ko lang na layout. Halos mag isang linggo na akong nagstay dito at kating kati ko ng tapusin ito para makabalik na sa manila.
Hindi pa din nagpapakita si james dito kaya wala akong choice kundi kay frit'z ipakita ang ginawa kong layout.
Agad akong bumaba para hanapin si frit'z. Namataan ko ito sa hardin nakaupo kausap si kuya caloy.
Napangiti si kuya caloy ng makita ako kaya napatingin din sa akin si frit'z.
Agad akong lumapit sa mga ito.
"Ipapakita ko yung layout ko! Katatapos ko lang gumawa!"sabi ko saka nilahad ang ginagawa kong layout.
Agad nila itong tiningnan isa isa. Nakisilip nadin si kuya caloy sa gawa ko!
"Akala ko ba tatlong palapag ang taas at sa bawat palapag may tag treinta ang kwarto!"ani kuya caloy
Napanganga ako! Ang sabi sa akin ni sir chavez dalawang palapag lang at sa bawat palapag may fifteen room.
Malaki pala ang gagawi kong layout nito! Treinta ang kwarto kada lapag ibig sabihin malawak na resort talaga ang ipapatayo niya.
"Akala ko nga eeh!"sang ayon ni frit'z
"Excuse me!! Ang sabi sa akin ni sir chavez dalawang palapag lang at sa bawat palapag may labinglimang kwarto lamang."sabi ko saka namaywang.
Akala ko makauwi na ako! Shit ganito pala kahirap pag nasa mismong site ka. Parang mas gusto ko nalang doon sa compound buti doon nakaupo lang ako!
"Naiba ang plano hindi ka ba na update ni tito chavez?"tanong ni frit'z.
Nakagat labi ako saka huminga ng malalim! Napangiti ako ng alanganin! Wow!! Ako pa ang mag adjust bwisit!!
"Kung ganoon hindi pala yan!!"peke kong ngiti
"Akin na!!"sabi ko binigay naman nila ang gawa kong layout!
"Gagawa ulit ako! Yung layout sa swimming pool baka hindi niyo gusto pwedeng isama ko din pag gawa ulit!"nakangiti kong sabi pero sa loob loob ko nanggigigil na ako."Ok na yang swimming pool!"ani frit'z
Agad akong ngumiti saka daritsong tumalikod. Hinigpitan ko ang hawak kong layout. Daritso akong umakyat sa hagdan papunta sa room ko ng tawagin ako ni manang sonia. Napalingon ako sa baba.
"Darating si james wala ka bang gusto ipagbili para maisama niya!"ani nito
Yun laptop ko!!
Pinigilan kong wag maiusal yun. Umiling ako saka daritsong pumasok sa kwarto!!
Agad ko itong binagsak sa mesa at nagkagat ako ng kuko. Dinampot ko ang cellphone para tingnan kong nag txt sa akin si sir chavez pero wala!
Napapikit ako saka humiga sa kama. Ilang araw kong pinuyatan para matapos ang layout na ito tapos ito lang pala ang sasabihin nila! Grrrr!!
Tumititig ako sa kawalan. Sana si stella nalang ang pinadala ni sir tiyak matutuwa pa ang babaeng yun!
Halos kalahating oras ang ganoon kong posisyon saka daritsong tumayo. Agad akong lumapit sa mesa para simulan ang bagong layout!
Talagang malaki ang pinapatayo nilang resort dito. Tiyak million din ang kikitain nila sa resort na ito pag matapos na ito at bukas sa lahat na torista.
Halos buong araw nasa ginawa kong layout ang aking atensiyon! Naririnig ko ang ang tinig ng chopper, ito na siguro si james.
Mayamaya ay kumatok si manang sonia. Binuksan ko ito. May dala itong pagkain.
"Naku manang nag abala ka pa ako nalang sana ang bumaba!"nahihiya kong sabi
"Ayaw ni frit'z na madistorbo ka dahil alam niyang gusto mo ng matapos agad yang layout mo!"sabi nito
Agad kong kinuha ang dala nito at pinasok sa loob. Sa may side table ko ito pinatong dahil medyo may bakante doon.
"Nandito na ang alaga ko!"nahihiya nitong sabi
Napatawa ako at nagkagat labi.
"Wag kang mag alala manang makilala ko din siya!!"tugon ko
"Kumain ka na diyan!"sabi nito saka umalis na sa may pinto
Napalingon ako sa bukas na pinto saka ngumiti! Umiiling iling ako saka ko ito nilapitan at sinara.
Narinig kong tumunog ang cellphone kaya mabilis ko itong nadampot sa kama. Si sir chavez!
Agad ko itong sinagot!
"Sir!"
"Pasensiya ka na at hindi kita nasasabihan masyado kasing marami ang inaasikaso ko nitong nakaraan kaya hindi na kita natatawagan!"ani nito
"Alam ko na po sir wag kayong mag alala hindi niyo kasalanan!"sabi ko
"Salamat sa pag intindi bartolome!"ani sir chavez
Tumango ako at ngumiti!
"Kumusta ka diyan? Nag eenjoy kaba? Naku wag kang umuwi paghindi ka makatampisaw ng dagat!"suhesiyon nito
Napatawa ako.
"Mabuti naman sir kaso parang gusto ko ng bumalik diyan!"pagsasabi ko ng totoo
"Naku..mag enjoy ka naman diyan!"natatawa nitong sabi
"Pag katapos mo diyan bibigyan kita ng isang taon na bakasyon!"sabi nito"Sige po sir!!"sang ayon ko
Tumawa ito saka maya maya nag baba na ng tawag. Naamoy ko ang lutong pangbahay ni manang sonia. Biglang kumalam ang sikmura ko. Mag alas otso na ng gabi.
Agad akong kumain pagkatapos kong kumain agad kong binalik ang atensiyon sa ginawa kong layout.
Naririnig ko pa ang tawanan sa ibaba. Napasabunot ako ng buhok at sumandal sa upuan.
Napansin kong umilaw ang cellphone ko sa may gilid ng ginawa kong layout. Dinampot ko ito at tiningnan kung sino ang nagtxt.
Kurt frit'z
Halika ka mag bonfire tayo sa tabing dagat nag anyaya si kuya!
Napakagat labi ako! I loved too pero ayaw kong pumunta! Nandito ako dahil sa trabaho ayaw kong mapunta sa ano anong bagay.
Marahan kong tinabing ang kurtina saka sumilip sa ibaba. Nakikita ko si kuya caloy at si frit'z may dalang eco bag.
"Kuya bilis!!"narinig ko pang sabi ni frit'z.
Maya maya pa tumakbo itong lumapit sa dalawa may dalang apoy. Wait! Malaking sulo.(torch)
Sabay sabay lumakad ang mga ito sa may dagat.
Nawala ang gana ko sa pag gawa ng layout kaya napag desisyon kong humiga sa kama. Inabala ko ang aking sarili sa pagtitig sa kawalan hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako!
•••
Leojea05
BINABASA MO ANG
Your always mine
عاطفيةMasarap sa pakiramdam na ang taong bestfriend mo ang siyang maging ka forever mo. Tunghayan ang kwento ni russel at princess kung paano nila nalampasan ang pagiging mag-bestfriend to husband and wife! R-18 Cover is not mine credit to the rightful ow...