Part 41

11 3 0
                                    


Kinabukasan maaga akong pumunta sa opisina para malaman agad kung ano talaga ang intensiyon ni stella sa akin!! Ngingitian ako ni swetzel pagpasok ng madaan ko ito!

"Good morning sir!! Maaga tayo ngayon!!"masigla nitong bati at tumayo

"Good morning!! Dito tayo mag usap sa loob swetzel!!"ani ko at tuloy tuloy na pumasok sa loob. Sumunod naman ito!

Agad akong umupo sa upuan ko saka inabot ang brown na envelop. Nakita ko ang ilang picture ni stella kasama ang isang moreno pero malaking lalaki na may bigote. Kuha ito sa may downtown! Sweet ang mga lawaran nito halatang may relasyon talaga!! Naagaw ang pansin ko sa isang litrato. Isang babae na morena na may maiksing buhok! Bakit parang kilala ko ito?

"Si janice yan sir.. pinsan ni stella na minsan na ding nagpakaalaman ni mark na siya si stella!!"ani nito

"Napagkaalaman?? Papaano??"

"Dahil sa mahabang buhok ni janice dati napagkaalaman siyang stella ni mark noong lasing na pumunta sa bahay nila.."pagkwento ni swetzel

"Hindi din maayos ang relasyon ng magpinsan dahil nahuli talaga sa akto na humahalik si mark kay janice kaya hanggang ngayon may bangayan pa ang dalawa kaya nag desisyon na magpaikli ng buhok si janice!!"

"Saan si janice ngayon?"

"Sa napagtanungan ko umuwi talaga sa kanila.."

"Si mark lang ba ang recent na Boyfriend niya?"paninigurado kong tanong

"Si mark lang naman ang Boyfriend niya dati pa sir!!"ani ni swetzel

Napatango ako saka naghilot ng batok!

Bigla ata akong nabunutan ng tinik!! Parang hindi talaga sa akin ang binuntis niya! Gusto kong malaman kung ilang weeks na itong buntis! Nagkagat labi ako ng maisip ko ang hospital.

"Tawagan mo ang hospital swetzel at alamin mo kung ilang weeks ng buntis si swetzel!!"utos ko

Tumango ito!

"Ikaw na ang bahala mag rason swetzel!! Salamat!!"

"Walang problema sir!!"ngiti nitong sabi at lumabas na.

Bumuga ako ng hangin at sumandal sa upuan ng tumunog ang cellphone ko! Nainis ako ng makita ko ang pangalan ni stella! Hindi pa nga naglilihi masyado na itong pabigat! Hindi ko ito sinagot hanggang sa huminto ang tunog. Ng tumunog ulit ito.

"Tsssk.."inis kong sabi at dinampot ang cellphone ng makita ko ang pangalan ni mama. Mabilis ko itong sinagot!!

"Ma.."

"Bakit hindi ka ba sumagot? U-Umuwi ka ngayon na d-dahil biglang k-kinapos ng h-hininga si stella at ikaw ang h-hinahanap niya!!"!nauutal na sabi ni mama at nataranta.

Napatayo bigla ako! Ano naman ang nangyari?

"Ma dalhin niyo sa hospital doon nalang ako dumaritso!!"mabilis kong tugon

"Ayaw niya!! Gusto niya, IKAW!!"halatang gigil na sabi ni mama sa kabilang linya. Saka nawala ito!

Pumikit ako at inis na dinampot ang susi na nakapatong sa mesa saka lumabas sa opisina!

**

Naabutan ko ang ilang security guard sa subdivision namin na parang nataranta. May isang patrol car din. Kasunod nito ang isang puting hilux. Tiningnan ko ito at napansin kung isang lalaki na bigote ang nagmaneho dahil nakababa ang salamin nito sa bintana.

Hinintay kung makalabas ito bago ako pumasok sa loob ng subdivision. Ano ba ang meron!

Mabilis akong lumabas sa sasakyan pagdating at tumakbo papasok sa bakuran papunta sa pinto. Naabutan ko si mama na binigyan ng tubig si stella habang nakaupo ito sa mahabang upuan ni mama.

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon