Part 48

12 3 0
                                    


Hindi ko alam kong bakit ako kinabahan ng malaman kong ngayon ang uwi nila tita mula italy.

Para bigla akong na guilt sa nagawa ko! Huminga ako ng malalim saka bumaba na. Naabutan ko si princess sa sala palakad lakad.
Halatang tensyonado din katulad ko. Lumingon ito sa akin ng marinig niya ang pagbaba ko. Ngumiti ito.

"Bigla akong kinabahan!!"ani nito at ngumiwi

Ginanap ko ang kamay niya! Napatingin ito sa akin at pilit na ngumiti pero nakikita ko sa kanyang mata ang takot.

"Andito ako wag kang mag alala.. kung magagalit man si tita sa akin yun hindi sayo!!"sabi ko nito

Tumango ito kaya ginaya ko ito palabas. Bago kami pumunta sa airport dumaan muna kami sa isang sa isang drive tru na foodchain para kumain.
Ilang oras din kaming nastock sa trapic.

Habang nasa daan kami kumakain kami sa pagkaing na take out namin. Napapansin ko rin ang pagtahimik ni princess. Halatang malayo ang iniisip habang kumakagat ng burger.

"Wag kang mag alala sa akin galit si tita hindi sayo!!"ani ko

"Huh!!"taka nitong baling sa akin

Ngumiti ako!

"Kanina ka pa malayo ang iniisip!! Wag kang mag isip ng kung ano ano!!"ani ko

Ngumiwi ito at tumingin sa akin!

"Hindi ko mapigilan eeh!! Natatakot ako sa posibleng sabihin ni mama at sa posibleng disesyon niya!"ani nito

Yun pala! Takot sa posibleng disesyon!
Ibig sabihin ayaw talaga niyang matali sa akin! Ginanap ko ang kamay niya at dinala sa aking labi at hinalikan. Nanlaki ang mata nito!!

"Wag kang masyadong mag isip ng ano ano!"ani ko

Mabilis nitong binawi ang kamay at inirapan ako! Nagkagat labi ako para pigilang wag matawa.

"Kilala na kita!! Pasimple kang humawak hawak sa akin yun pala gusto mo lang akong ichansing!!"inis na sabi nito at inikotan ako ng mata.

Lihim akong napangisi!

***

Princess pov

Ilang oras din kaming naghintay sa labas at sa wakas nakita namin ang nakangiting si bobby!!
Napatili ito!!

"Nakuh...handsome.. kikay!!"ani nito at niyakap kami pareho ni russel.
"May kasalang maganap na ba?"tanong nito na kinapula ng mukha ko.

"Si mama?"tanong ko

"Nag cr muna!! Naku.. ano bang kinain mo at mas lalo kang gumanda ngayon kikay?"tanong nito sa akin at tinaasan ako ng kilay. Napatawa si russel sa tabi ko kaya sinulyapan ko ito ng masama.

"Wala akong sinabi... akin na ang bagahe niyo para maiyos ko sa sasakyan!!"prisenta nito at kinuha kay bobby ang dalawang maleta.
Binigay naman nito. Naiwan kaming dalawa ni bobby nag hintay kay mama na makalabas.

Hindi ko alam pero ang bilis ng kaba ko habang hinihintay na makalabas si mama. Maya maya natatanaw ko na ito. Mabilis ko itong kinawayan.

"Ma..."ngiti kong sabi at mabilis na yumakap sa akin. Miss ko na kasi ito. Niyakap din ako nito ng mahigpit!
"Sorry ma!!"pasimula kong paumanhin

Bumitiw ito at tiningnan ako ng masama.

"Sino ba ang nagturo sayo na bumigay agad? Ganyan na ba kayong mga babae ngayon mabilis bumigay?"hindi ko alam kong tanong o panenermon ang sinabi ni mama. Basta ang alam ko lang nagkakonot ang noo nito.
"Talaga ginawa niyo!!"galit na bulaslas nito at tumingin kay bobby! Naguguluhan ako! Bakit kailangan pa niyang tumingin kay bobby!

"Ma..sorry at naging pasaway ako sayo!!"nahihiya kong sabi saka bahagya yumuko.

"Ngayon ka ba ma—mahiya??"takang tanong sa akin

"Pwede bang sa bahay nalang kayo mag uusap nakakahiya kung dito pa kayo mag usap!!"ani ni bobby.

Ginaya ako ni mama papunta sa sasakyan. Pinagbuksan kami ni Russel ng pinto. Tahimik kaming umuwi habang sakay ang sasakyan! Si mama nasa frontseat tabi ni russel.

Napapansin ko ang panay na tingin ni mama kay russel na may kasamang irap. Si russel naman ay panay ang tingin sa akin sa salamin dahil ilang beses ng nagsugatan ang tingin namin sa salamin na nakasabit sa harapan nito.

Napakatahimik namin sa kotse.

"Sa bahay ka muna bobby!!"ani nito kay bobby at bahagyang tumingin sa amin sa likuran.

"Naku..sureness... basta libre ako lahat!!"natatawa nitong sabi

"Ako ang bahala.. sa guest room ka muna mag stay!!"ani ni mama

"Ma..doon si russel nagstay!!"hindi ko mapigilang sumabat

"Mag usap tayo ngayon russel pag uwi....hanggang hindi pa kayo kasal umuwi ka muna din sa inyo!!"galit na sabi ni mama nito

Nakita ko ang pagtango ni russel. Bumilis ang tibok ng dibdib ko!

"Sorry tita!!"ani nito

"Bakit ka pa nag sorry? Nangyari na! Tapos na!!"gigil na sabi nito kay russel.

Nagkagat labi ako saka pumikit!

"Argh..."frustrating kong ungol

"Nangyari na russel...sana bigyan mo ng kahihiyan ang anak ko at sana mapaninindigan mo siya!!"diin na sabi nito

"Ma...akala ko ba mag usap kayo pag uwi bakit dito kayo mag usap??"inis kong tanong

"Bakit ka ba naiinis diyan!! Kasalan niyo naman ito kaya nangdito kayo sa sitwasyon niyo!!"galit baling ni mama

"Pwedeng sa bahay na natin pag usap..."gigil kong sabi
"Inaamin ko natukso ako! Natukso kami pero ma... wag naman dito sa sasakyan pag usapan nakakahiya kay bobby!!"hindi ko mapigilang mapataas ang boses

"Nahihiya ka pala bakit kayo nagpadala ng tukso huh??"galit na sabi nito sa akin at bumaling kay russel
"Pag usapan natin ang kasal russel sa lalong madaling panahon!!"inis na sabi nito at nagsabunot ng buhok bago nag bukas ng bintana niya.

Tahimik kami hanggang sa dumating sa bahay. Agad akong dumaritso sa kwarto para mag kulong. Si mama at si russel dumaritso sa kusina para doon mag usap.

Hindi ko rin alam kong anong oras na umalis si russel basta ang alam ko lang kumatok ito at nagpaalam na umuwi na.

Hindi na din ako nag abala na pagbuksan ito ng pinto. Manigas siya!!

•••
L

eojea05

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon