Part 31

13 2 0
                                    


A Wedding day arrive pero hindi man lang ako nataranta.

Si mama panay ang tawag.
Alas diyes pa ang kasal pero ang aga agang tumawag ni mama. Nang hindi ito tumigil sa pagtawag nagdisesyon ko ng sagutin.

"Ma...

"Saan ka ba galing at hindi mo sinasagot ang tawag ko??"taas boses na bungad ni mama

"Ma natutulog pa ako!!"walang gana kong sagot at bahagyang bumangon sa higaan.

"Gumising ka na diyan at maghanda na!! Ngayon ang kasal ni russel!!"ani mama

"Ma ang aga pa naman!"sungit kong tugon

"Wala ka atang plano na pumunta sa kasal ni russel!! Nag-aaway pa rin ba kayo??"tanong nito

Pumikit ako saka sumandal sa headrest ng kama.

"Pupunta naman ako doon!"tugon ko

"Bumangon ka na para makahanda na. Dali!!"apura ni mama at basta nalang ako pinatayan ng tawag.

Maya maya pa saka ako bumangon. Agad kong tinungo ang closet at pumili ng susuotin. Wala naman akong plano na magpakita sa kasal nila kaya simpleng white dress lang na hanggang tuhod ang haba.

Ngumiti muna ako saka nagdisesyon na pumasok sa banyo para maligo para makaalis na.

Ilang oras din ako sa kalsada dahil sa traffic. Sa may cavite church pa ang kasal kaya medyo malayo pa talaga. Doon din gaganapin ang reception.

Bumuga ako ng hangin, mahigit isang oras na akong nasa kalsada. Shit!! Alas nuebe na!

Hindi ko alam kung anong oras na ako dumating sa simbahan basta ang alam ko lang marami na ang tao.
Agad akong pumasok sa simbahan at ginala ang paningin. May kaunting palamuti na bulaklak sa daanan ng bride. Sa gilid nito may mga bulaklak.Napangiti ako ng matanaw ko si mama sa unahan panay ang tingin sa entrada, ako ata ang tiningnan!

Katabi ang mama ni russel, si russel naman ay nakatayo lang paharap sa altar. Anong oras naba at ang daming tao na!!

Hindi na ako lumapit sa kanila nakunteto na akong sa may pinakalikod pumuwesto. Umupo na ako.

Maya maya lang ay nataranta ang ilang bridesmaid at lumapit kay russel. Ano kaya ang nangyari! Si russel ay parang wala lang ngumingiti pa.

Pati sila mama at tita ay parang nataranta na din!!

Baka hindi sumipot ang bride!!"Narinig kong sabi ng katabi ko

"Sayang naman!!"ani ng katabi nito

Huminga ako ng malalim!! Ang pare ay napatayo na din!!

"Ano matutuloy pa ba ang kasal?"tanong nito kay russel

Napahugot ako ng hininga!! Talagang hindi matuloy ang kasal! Kaya siguro ayaw niya akong papuntahin!!

Biglang may bumara sa lalamunan ko na hindi ko alam. Bigla atang nagdiwang ang puso ko na hindi natuloy ang kasal pero nasasaktan akong nakita ko itong yumuko ng ulo.

Dali dali ding lumapit si tita sa microphono na nakatayo sa harap.

"E-Everyone...pasensiya sa abala at nagkaroon ng p-problema!! P-Pasensiya na! Sa reception na kayo tumuloy nandoon ang pagkain welcome kayo doon!!"nauutal na sabi ni tita at nilapitan si russel!!

Nagka-ingayan na ang simbahan. Ang ilan ay nagsialisan na din. Tatayo sana ako ng may isang bulto ng babae ang lumapit kay russel. Pamilyar na bulto.

Yumakap ito kay russel na parang inalo. Si mama at si tita panay ang pag uusap at hindi ko alam kong ano dahil hindi ko naririnig.

"Handsome..."tili ng bakla at hinaklit ang babae na yumakap nito
"Ikaw babae ka ang landi mo!!"inis na sabi sa babae

Napangiti ako! Si bobby pala ito!

"I'm just trying to comfort him!"

"Comfort!! Kung alam ko lang may pagnanasa ka din kay handsome!!"pa tili niyong turan

"At sino ka ba??"sungit ding tanong kay bobby

May ilang tao na din ang nag intriga sa kanila.

Lumapit si tita at hindi ko alam kong ano ang sinabi dahil lumabas na ang babae. Inaalo na din ni bobby si russel na nakayuko pa rin!!

Bigla atang bumigat ang aking pakiramdam. Naaawa ako sa kanya! Alam kung labis itong nasaktan dahil sa hindi pagsipot ni annika. Akala ko ok na sila.

Ayaw kong magpakita sa kanila ngayon dahil ako ang nahihiya. Nagdisesyon akong tumayo para  lumabas na.

Hindi ko din napansin si steven ngayon!! Ibig sabihin alam din niya na hindi matuloy ang kasal kahit si james hindi ko namataan sa simbahan.

Marahan akong sumandal sa upuan ng sasakyan at pumikit. Naaawa  talaga ako.

Parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at aluin.

Natatanaw ko ang paglabas ni bobby at ni mama sa simbahan kasunod si tita. Wala bang plano na lumabas si russel?

Inuntog ko ang aking ulo sa manubela kaya naglikha ng ingay. Napatingin agad ako nila mama at tita na nakatingin sa direksiyon ng sasakyan ko.

Nagkagat labi ako! Lumakad ang mga ito papalapit  sa akin kaya nagdisesyon na akong lumabas sa sasakyan!

"Princess.."tili ni bobby at niyakap ako

"Bobby..."usal ko
"Hello po tita.. ma.."ani ko at bahagyang yumuko sa kanila

"Princess puntahan mo si russel sa loob ayaw umalis hinihintay si annika!!"ani tita

"Bakit hindi sumipot si annika?"nagawa ko pang magtanong

"Hindi din niya alam.. akala ko nga ok na sila.."ani tita

"Mas mabuti na yung hindi natuloy ang kasal nila kaysa mahihirap si handsome.."ani bobby

"Pabayaan muna nating mapag isa siya!"nakangiti kong sabi

Tiningnan ako ng matalim ng mga ito.

"Kailangan ng kaibigan ngayon ni russel anak.. puntahan mo na.."ani mama

"Ma-

"Tulungan mo si russel iha .. ikaw nalang ang meron sa kanya!!"ani ni tita

Bumuga ako ng hangin bago nag desisyon na pumasok sa simbahan. Napahinto ako sa paghakbang at nilingon ang mga ito.

Ngumiti ang mga ito at sumenyas na pumasok na!

Huminga ako ng malalim saka pumasok na sa loob. Nakayuko pa rin ito. Agad ko itong tinabihan pag upo.

"Nandito ka ba para pagtawanan ako?? Sinabihan na kita wag ka na lang pumunta dito!!"mahina nitong sabi pero nakayuko pa rin.

Marahan kong tinikom ang labi ko at nagpigil na wag magsalita. Inangkat ko ang aking kamay at hinagod ang likod niya.

"I'm sorry!!"

"Hindi mo kailangang mag sorry!!"ani nito

"Tara na.."anyaya ko

Doon ito nag angkat ng tingin kaya nagkasalubong ang aking mata.

He look so down pero hindi ko nakikita na nasasaktan ito.
Talagang hindi na sila matagal na pero bakit tinuloy pa rin niya ang kasal sayang lang ang gastos. At nagawa pa itong ngumiti!

"Inaasahan ko naman na walang kasal na maganap kaya ayaw kitang papuntahin dahil mahihiya lang ako! Si steven at si james nga nagulat sa sinabi ko!"ngisi pa nitong sabi

"Bakit hindi mo nalang pina-cancel ang kasal kong hindi naman matuloy!"inis kong sabi
"Talagang pinapahiya mo ang sarili mo??" Tanong ko at binatukan ito

Tumawa lang ito!

"Ginawa ko lang naman ang tama!!"ani pa nito

Binatukan ko ulit ito! Anong tama ba ang ibig niyang sabihin! Nasa tamang pag iisip pa ba ito??

•••

Leojea05

Your always mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon